19/08/2026
๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง, ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐ญ ๐๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐
ILOILO CITY โ Naisilbi ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang warrant laban sa dalawang Most Wanted Person sa magkahiwalay na operasyon sa Capiz noong Agosto 17, 2026.
Bandang 3:30 ng hapon, isinilbi ng Maayon Municipal Police Station (MPS) ang Warrant of Arrest laban kay alyas โDenden,โ 51 taong gulang, Top 3 Municipal-Level Most Wanted Person ng Maayon, habang nasa kustodiya siya ng Capiz Rehabilitation Center sa Barangay Lawaan, Roxas City.
Nahaharap siya sa kasong Homicide sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code. Ang warrant ay inilabas noong Agosto 12, 2026 ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 18, Roxas City, na may inirekomendang piyansang PhP120,000. Nanatili siya sa kustodiya ng nasabing pasilidad para sa kaukulang legal na proseso.
Samantala, bandang 5:44 ng hapon, naaresto ng Tracker Team ng Pototan MPS, katuwang ang Dao MPS, si alyas โJP,โ 18 taong gulang, Top 8 Provincial-Level Most Wanted Person ng Iloilo, sa Barangay Agtambi, Dao, Capiz.
Isinilbi laban sa kanya ang Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Murder sa ilalim ng Article 248, kaugnay ng Article 6 ng Revised Penal Code. Ang warrant ay inilabas noong Hulyo 24, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 68, Dumangas, Iloilo, na may inirekomendang piyansang PhP120,000. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pototan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
โAng mga operasyong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng koordinasyon ng ating mga police units at iba pang ahensya. Nasaan man ang mga wanted person, patuloy nating ipatutupad ang mga warrant ng hukuman upang maiharap sila sa wastong proseso ng batas,โ ani PRO6 Regional Director PBGen Randulf T Tuaรฑo.
Patuloy na paiigtingin ng PRO6 ang manhunt operations bilang bahagi ng RESPONSIVE, TRUSTED, and TRANSFORMATIVE POLICING tungo sa mas ligtas at mapayapang Western Visayas, alinsunod sa bisyon ng PNP na โBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN."
(PNP-RPIO6)
#๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ง๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
#๐ง๐ผ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐
#๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ก๐ฃ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐