06/08/2026
๐๐จ๐ฉ ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ-๐๐๐ฏ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ญ๐. ๐๐๐ซ๐๐๐ซ๐, ๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐จ ๐๐๐ง๐ก๐ฎ๐ง๐ญ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Iloilo City โ Matagumpay na naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang Top 3 Municipal Level Most Wanted Person ng Sta. Barbara, Iloilo sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Quintin Salas, Jalbuena Subdivision, Jaro, Iloilo City, bandang 6:24 ng gabi noong Agosto 5, 2026.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas "Cris," 39 taong gulang, may asawa, family driver, at dating nakatira sa Sta. Barbara, Iloilo at ngayon ay residente ng Jaro, Iloilo City.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Ang warrant ay inilabas ng Family Court, Regional Trial Court, Branch 5, Iloilo City, na may petsang Hulyo 30, 2026, na may inirekomendang piyansang PhP200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga masusing intelligence validation, surveillance, at target profiling na isinagawa ng Tracker Team ng Iloilo City Police Station 2, sa pakikipagtulungan ng Santa Barbara Municipal Police Station ng Iloilo Police Provincial Office.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICPS2 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Pinuri ni Regional Director, Police Brigadier General Randulf T Tuaรฑo, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.
โAng pagkakaaresto sa isang most wanted person ay bunga ng masusing intelligence work at dedikasyon ng ating mga operatiba. Patuloy nating paiigtingin ang manhunt operations upang matiyak na ang mga taong may kinahaharap na kaso ay maaaresto at maihaharap sa hukuman. Hindi tayo titigil hangga't naipagkakaloob ang hustisya, lalo na sa mga kasong kinasasangkutan ng mga bata," ani PBGen Tuaรฑo.
Dagdag pa niya, nananatiling matatag ang Police Regional Office 6 sa paghahatid ng RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING para sa mas ligtas na Western Visayas, alinsunod sa bisyon ng BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN.
(PNP-RPIO6)
#๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ง๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
#๐ง๐ผ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐
#๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ก๐ฃ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐