09/04/2026
𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐆𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍 🇵🇭🫡
Ang Coast Guard District Western Visayas ay buong pusong nakikiisa sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong ika 09 ng Abril 2026 isang mahalagang araw na nagbibigay pugay sa walang kapantay na tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong nag-alay ng buhay alang-alang sa kalayaan ng ating bansa.
Sa diwang ito, patuloy na isinasabuhay ng CGDWV ang mga aral ng kabayanihan sa pamamagitan ng tapat, maagap at makataong paglilingkod sa sambayanan. Nananatili kaming matatag sa pagtataguyod ng pagkakaisa, malasakit at dedikasyon bilang pagpupugay sa ating mga bayani noon at inspirasyon para sa mga hamon ng kasalukuyan.
🇵🇭