10/12/2025
Ang tunay na lakas ng Sangguniang Bayan ay nasa pagkakaisa ng bawat isa.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat para sa matagumpay na Team Building at Christmas Party. Sa bawat tawanan, sa bawat laro at sa bawat sandali ng pagkakaisa, muling napatunayan natin ang lakas ng ating samahan.Gaya ng aking mensahe sa lahat nawa'y ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagkakaisa upang mas maging magaan ang ating mga gawain at mas masaya ang ating pagsasama.Sama-sama nating harapin ang mga hamon at ipagdiwang ang bawat tagumpay!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!