09/04/2026
๐๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก (National Literature Month) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Capiz ay nakikiisa sa pagdiriwang nito! ๐๐๏ธ๐ฟ
Ang Pambansang Buwan ng Panitikan o Buwan ng Panitikang Filipino ay ipinagdiriwang alinsunod sa Proklamasyon Blg. 968 na nilagdaan noong 2015, upang itaguyod, payabungin, at pangalagaan ang pambansang panitikan.
โ๐ปAng tema ng pagdiriwang ngayong taon ay:
๐๐ฒ๐ธรซ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป: ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Kumukuha ng katutubong lakas ang tema ngayon ng Buwan ng Panitikan para itanghal ang kapangyarihan ng panitikan na pagkaisahin ang bayan. Hango ang โbekรซtโ sa mga Agutaynรซฬn ng Palawan at nangangahulugan ito ng pagkakaisa at pagbibigkis.
Sa ganitong paraan, kinikilala ng โBekรซt Panitikanโ ang mahalagang ambag ng katutubong haraya sa pagbuo ng panitikang pambansa. Dahil ang bayan ay binubuo ng ibaโt ibang pamayanan ng mambabasรกโt manunulat na patuloy na yumayabong ang ugnayan. Itinatanghal din nito ang panitikan bilang mahalagang bigkis sa haraya, gunita, at intelektuwal na pag-unlad ng bayan.
โ๐ป ๐๐ป๐ด ๐๐๐ฏ๐๐ฒ๐บ๐ฎ:
Mahalagang pinaglalaanan ng pokus ang pagkakaisa na itinataguyod ng panitikan. Sa pagdiriwang na ito binibigyang-pansin ang pangangailangan upang pagkaisahin ang lakas para sa katwiran at kalikasan. Ang katwiran, at ang pananaig nito sa bayan, ay noon at noon pa idinambana ng mga bayaning manunulat ng bayan para marating ang minimithing ginhawa at kalayaan. Mahalaga rin ang pagbibigkis para sa kalikasan upang maging malรกy pa lalo ang mamamayan sa kanilang gampanin na pangalagaan ito. Dahil bahagi lamang sila nito at kailanmaโy hindi makatataas sa kalikasan.
โ๐ป ๐๐ฒ๐ธรซ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ?
Sa dulo, isang pang pamilyar na tanong ang aalingawngaw kapag binigkas ang katutubong pamana ng mga Agutaynรซฬn: Bakit hindi panitikan? Dahil nasa ikalawang dekada na ng implementasyon ang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan mula nang ilabas ang Proklamasyon Blg. 968 noong 2015, patuloy ang panawagan para sa pagpapahalaga at patuloy na pagpapayaman pa ng tangkilik sa panitikan ng bansa. Dahil sa hulรญ, ang panitikang pambansa rin ang magpapakita ng ating malalim na ugnayan sa isaโt isa bilang kapuluan ng mga wika, bilang kapuluan ng mga tekstong patuloy na nabubuhay.
Text Source: National Commission for Culture and the Arts