16/01/2026
📢 PUBLIC ADVISORY | WATER INTERRUPTION
Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala o paghina ng suplay ng tubig sa Sitio Uyao at mga karatig na lugar dahil sa isasagawang Hydrostatic Testing ng linya ng tubig upang matukoy at maayos ang posibleng mga tagas.
🗓 Iskedyul ng Gawain:
• Enero 17 (Sabado)
8:00 A.M. - 9:30 A.M.: Pansamantalang pagsasara ng lahat ng linya ng tubig sa Uyao upang bigyang-daan ang pag-iinstall ng mga gate valve. (Mga apektadong lugar: Area 1, Area 2, at Area 3)
9:30 A.M. - 5:00 P.M.: Hydrostatic Testing sa Area 1 (Apektadong lugar: Area 1)
• Enero 19 (Lunes)
8:00 A.M. - 5:00 P.M.: Hydrostatic Testing sa Area 2 (Mga apektadong lugar: Area 1 at Area 2)
• Enero 20 (Martes)
8:00 A.M. - 5:00 P.M.: Hydrostatic Testing sa Area 3 (Mga apektadong lugar: Area 1, Area 2, at Area 3)
💧 PAALALA:
Pinapayuhan ang lahat ng apektadong konsyumer na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nabanggit na petsa para sa pansamantalang pagkawala ng suplay.
Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang maaaring idulot at lubos na nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.