06/06/2026
✨FIRST KK GENERAL ASSEMBLY MEETING, DISTRIBUTION OF SK EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR JUNIOR HIGH SCHOOL AND SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS, REGISTRATION OF SK EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR COLLEGE STUDENTS✨
Nagkaroon man ng kaunting problema ngunit maayos namang naisagawa ang assembly meeting at pagbibigay ng educational assistance para sa ating mga kabataan.
Nais naming pasalamatan ang lahat ng mga high school students na matiyagang naghintay, pumila at naging bahagi ng ating SK Educational Assistance Distribution. Nawa’y makatulong ang munting tulong na ito sa inyong pag-aaral at magsilbing inspirasyon upang lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong mga pangarap.
Maraming salamat din sa mga magulang na matiyagang naghintay upang samahan ang kanilang mga anak at patuloy na suporta sa SK officials.
Sa ating Punong Barangay, Hon. Edgar C. Uy, kasama na ang kanyang Barangay Kagawad na si Hon. Luisito Elchico, maraming salamat rin po sa pagdalo at paglaan ng oras upang kami'y gabayan sa aming programa.
Nais rin naming pasalamatan, ang ating butihing Sangguniang Bayan, Committee on Education, Hon. Kristin Bernadette L. Uy, na naglaan ng kanyang oras upang daluhan ang ating programa at pagbibigay ng mensahe at inspirasyon sa ating mga kabataan.
Higit sa lahat, taus-pusong pasasalamat sa ating Panginoon sa paggabay at pagbibigay ng biyaya upang maisakatuparan ang programang ito para sa ating kabataan.
Patuloy nating suportahan ang edukasyon, sapagkat ito ang susi sa mas maliwanag na kinabukasan.
Kita kits ulit sa mga susunod nating programa😉