02/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Matagumpay na naisagawa ang Barangay Development Plan (BDP) Planning Workshop sa Barangay Rizal, Roxas, Palawan ngayong ika-2 ng Hunyo 2026. Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2026-030, na nag-uutos sa lahat ng barangay na bumuo o mag-update ng kanilang Barangay Development Plan (BDP) at Barangay Development Investment Program (BDIP) para sa taong 2027โ2029. Ang nasabing workshop ay isinagawa bilang tugon din sa paanyaya ni Kgg. Mel A. Baรฑes upang magbigay ng kinakailangang technical assistance sa proseso ng pagpaplano.
Layunin ng planning-workshop na matukoy, mapag-usapan, at mapagplanuhan ang mga prayoridad na programa, proyekto, at aktibidad ng Barangay Rizal para sa mga susunod na taon, kabilang ang pagkakaroon ng akses sa kuryente, pagsasaayos at pagpapakongkreto ng mga kalsada, at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Lubos na nagpapasalamat ang Municipal Planning and Development Office (MPDO), sa pangunguna ni Engr. Nora P. Arzaga, EnP, sa Barangay Development Council (BDC) ng Barangay Rizal, sa pamumuno ni Kgg. Mel A. Baรฑes, sa kanilang aktibo at makabuluhang pakikilahok sa talakayan. Nawaโy magsilbing gabay ang naging pag-uusap tungo sa mas maayos, epektibo, at inklusibong pagpaplano para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Barangay Rizal.
.Rizal2k26