02/10/2026
PAANO MAGKAROON NG PUWESTO SA PAMILIHANG-BAYAN NG ROXAS?
A. MAG-APLAY SA TANGGAPAN NG PAMILIHANG-BAYAN
1. Pumunta sa Roxas Public Market Office Public Assistance and Complaints Desk (PACD) at mag-fill out ng Application Form para sa stall/space.
2. Ipakita ang mga sumusunod na requirements:
✅Barangay Clearance – kukunin sa kung aling barangay ka nakarehistro (Barangay)
✅Community Tax Certificate (cedula) – kukunin sa Municipal Treasury Office/Barangay
✅Barangay Sanitary Permit – kukunin sa Barangay Hall ng Barangay IV/Barangay
✅Barangay Business Permit – kukunin sa Barangay Hall ng Barangay IV
✅Health Certificate – kukunin sa Rural Health Unit (RHU)
3. Ihanda rin ang mga sumusunod para sa pag-inspect ng Market Inspector:
✅Trashcan
✅Coconut Broom/Walis Tambo
✅Dustpan
✅Apron (lalo na kung karne o isda ang iyong paninda)
✅Alcohol
✅Pictures
- leaseholder at helper/s, 3x3 na may kumpletong pangalan sa ibaba (ayon sa format na Given Name, Middle Initial, Surname); ikakabit sa puwesto
- leaseholder 1x1, (2 pcs); ikakabit sa Application to Lease Market Stall Form
B. MAGBAYAD NG BAYARIN
1. Bond
✅Meat and Dressed Chicken P15,000.00
✅Fresh Fish P15,000.00
✅Dried Fish P15,000.00
✅Rice and Cereals P10,000.00
✅Fruits and Vegetables P10,000.00
✅Dry Goods P15,000.00
✅Eatery/Fast Food P12,000.00
✅Refreshments and Delicacies P10,000.00
✅Flower Shop, Plants and Garden P10,000.00
✅Commercial Space (new building) P30,000.00
✅Commercial Space (outside the building) P20,000.00
✅Grinding and Other Sections P5,000.00
Maaaring bayaran nang buo ang bond o kung hindi, kalahati nito o 50% ang inirerekomendang paunang bayad at babayaran ang naiwang balanse sa loob ng isang taon.
2. Section Membership Fee
Makipagkita sa Section President, magbayad ng Membership Fee sa Section na iyong kabibilangan (sang-ayon sa napag-usapan ng seksyon), at magpapirma ng Section Clearance.
3. Secretarial Fee (Market Clearance) – P200.00
C. MAGPA-INSPECT
Pagkatapos ng pagpapasa ng mga requirements at pagbabayad ng kaukulang mga bayarin, bibisita ang Market Inspector sa iyong pwesto para sa pinal na inspeksiyon at pipirma sa listahan ng mga kinakailangan (matatagpuan sa ibaba ng iyong Application Form).
D. KUNIN ANG IYONG MARKET CLEARANCE
Kapag pasado sa inspeksiyon, pumila sa Market Office at kunin ang iyong Application to Lease Market Stall, Market Clearance at Lease Contract.
Paalala: Iiwan ang isang kopya ng iyong Market Clearance sa Market Office at mangyaring pa-notaryuhan ang iyong Lease Contract para sa release ng iyong business permit. Isang kopya ng Lease Contract ang ibabalik sa Market Office.