28/02/2025
Walang Kabataang Maiiwan: Pag-asa, Pagkakataon, at Kinabukasan para sa Lahat!
February 26, 2025
Sa ika-apat na linggo ng Adolescent Health Month Celebration, muling pinatunayan natin na ang bawat kabataan ay may halaga—anuman ang kanilang pinagmulan, estado sa buhay, o pinagdaanang pagsubok.
Ngayong taon, binigyan natin ng natatanging pagkakataon ang ating Out-of-School Youth (OSY) upang sila ay muling mapalakas, mapalalim ang kanilang kaalaman, at mapalapit sa mas maraming oportunidad para sa mas magandang kinabukasan.
👍Dahil hindi hadlang ang anumang pagsubok upang muling bumangon.
👍Dahil ang edukasyon, kaalaman, at pangarap ay hindi para sa iilan kundi para sa lahat.
👍Dahil ang isang komunidad na nagkakaisa para sa kabataan ay isang bayang may mas maliwanag na bukas.
Sa pangunguna ng Local Government Unit ng Roxas, sa pamumuno ni Municipal Mayor Leo G. Cusi Sr., at sa bisa ng Municipal Ordinance No. 45 na isinulong ni SB Marrieta R. Pajila, ginagawang realidad natin ang adhikain ng isang mas inklusibo, mas mapagkalinga, at mas maaasahang programa para sa ating kabataan.
Mula sa mga pagsasanay, oryentasyon, at iba't ibang aktibidad na inihanda para sa kanila, hindi lang natin binigyan ng bagong kaalaman ang ating Out of School Youth binigyan natin sila ng bagong direksyon, bagong inspirasyon, at bagong pag-asa!
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito—sa ating mga tagapagsanay, g**o, guidance counselors, LGU officials, at sa iba pang sektor na buong pusong sumuporta. Dahil sa inyong malasakit at dedikasyon, mas marami pang kabataan ang muling mangangarap at magsisikap!
Sa Roxas, walang kabataang maiiwan. Walang pangarap na isusuko. Walang kinabukasang hindi kayang abutin!