01/09/2026
๐พ ๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Ang Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act ay nagpapalakas sa kampanya ng pamahalaan laban sa agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at cartel. Layunin nitong maprotektahan ang sektor ng agrikultura, mapanatili ang patas na kalakalan, at matiyak ang sapat at abot-kayang suplay ng pagkain para sa bawat Pilipino.
Ang mga ilegal na gawaing ito ay maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at malaking pinsala sa kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at mamimili. Sa ilalim ng batas, ang mga mapatutunayang lumalabag ay papatawan ng mabigat na kaparusahan upang mapangalagaan ang seguridad sa pagkain at ekonomiya ng bansa.
Hinihikayat ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga kinauukulang awtoridad sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang hinihinalang agricultural smuggling at iba pang kaugnay na ilegal na gawain.
๐พ Protektahan ang Agrikultura. Protektahan ang Kinabukasan.