LTO San Jose Extension Office - Roxas Ormin

LTO San Jose Extension Office - Roxas Ormin LTO ROXAS - ORMIN

20/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Muling ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na pansamantalang hindi magagamit ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa isang technical issue na katulad ng naranasang aberya noong nakaraang linggo.

Kasalukuyang ginagawa ng LTO ang mga kinakailangang hakbang upang maibalik sa normal ang operasyon ng sistema sa lalong madaling panahon. Kasabay nito, pinag-aaralan din ang mga posibleng solusyon at isinasagawa ang mga pagpapahusay sa sistema upang mabawasan ang pagkaantala ng serbisyo at maiwasan ang mga katulad na aberya sa hinaharap.

Habang isinasagawa ang mga hakbang na ito, maaaring hindi magamit pansamantala ang mga transaksyong may kaugnayan sa LTMS. Dahil dito, pinapayuhan ang lahat ng tanggapan at mga kinauukulan na ipagpaliban muna ang mga transaksyon sa LTMS hanggang sa maglabas ng panibagong abiso.

Tinitiyak ng ahensya na prayoridad ang agarang maibalik sa normal ang operasyon ng sistema. Magbibigay ang LTO ng karagdagang abiso sa sandaling ganap nang maibalik ang serbisyo.

Lubos naming pinasasalamatan ang inyong pasensya at pang-unawa.

16/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa buong bansa.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang online transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.

13/07/2026
πŸ“£ PABATID!Printed na po ang Driver’s License (DL) cards ng may transaction date  hanggang June 30, 2026.πŸ“Œ Maaari po niny...
08/07/2026

πŸ“£ PABATID!

Printed na po ang Driver’s License (DL) cards ng may transaction date hanggang June 30, 2026.

πŸ“Œ Maaari po ninyong tingnan ang inyong transaction date sa resibo na nasa likod ng inyong Temporary Driver’s License.

βœ… Wala pong bayad ang pag-claim.
Dalhin lamang po ang inyong Temporary Driver’s License at magtungo sa Window 3 ng aming tanggapan.

Maraming salamat po!

πŸ“£ PABATID!Printed na po ang Driver’s License (DL) cards ng may transaction date  hanggang June 16, 2026.πŸ“Œ Maaari po niny...
30/06/2026

πŸ“£ PABATID!

Printed na po ang Driver’s License (DL) cards ng may transaction date hanggang June 16, 2026.

πŸ“Œ Maaari po ninyong tingnan ang inyong transaction date sa resibo na nasa likod ng inyong Temporary Driver’s License.

βœ… Wala pong bayad ang pag-claim.
Dalhin lamang po ang inyong Temporary Driver’s License at magtungo sa Window 3 ng aming tanggapan.

Maraming salamat po!

20/06/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

π„π—π“π„ππ’πˆπŽπ 𝐍𝐆 π•π€π‹πˆπƒπˆπ“π˜ 𝐍𝐆 πƒπ‘πˆπ•π„π‘'𝐒 π‹πˆπ‚π„ππ’π„, π‚πŽππƒπ”π‚π“πŽπ‘'𝐒 π‹πˆπ‚π„ππ’π„, 𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓-πƒπ‘πˆπ•π„π‘'𝐒 ππ„π‘πŒπˆπ“, 𝐀𝐓 π‘π„π‡πˆπ’π“π‘πŽ 𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π, 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 πŸ‘πŸ π‡π”π‹π˜πŽ πŸπŸŽπŸπŸ” 𝐍𝐀 π‹π€πŒπ€ππ†

Ipinapaalala ng Land Transportation Office (LTO) na ang pagpapalawig ng bisa ng driver's license, conductor's license, student-driver's permit, at rehistro ng sasakyan, gayundin ang hindi pagpapataw ng multa para sa late renewal, ay hanggang 31 Hulyo 2026 na lamang alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5157.

Pagkatapos ng nasabing petsa, ang mga expired na lisensya, permit, at rehistro ng sasakyan na hindi pa nare-renew ay sasailalim na sa umiiral na mga patakaran at kaukulang multa para sa late renewal.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista at may-ari ng sasakyan na i-renew na ang kanilang mga dokumento bago ang 31 Hulyo 2026 upang maiwasan ang abala at mga kaukulang parusa.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO o bisitahin ang opisyal na social media pages ng ahensya.

πŸ“£ PABATID!Printed na po ang Driver’s License (DL) cards ng may transaction date  hanggang June 10, 2026.πŸ“Œ Maaari po niny...
16/06/2026

πŸ“£ PABATID!

Printed na po ang Driver’s License (DL) cards ng may transaction date hanggang June 10, 2026.

πŸ“Œ Maaari po ninyong tingnan ang inyong transaction date sa resibo na nasa likod ng inyong Temporary Driver’s License.

βœ… Wala pong bayad ang pag-claim.
Dalhin lamang po ang inyong Temporary Driver’s License at magtungo sa Window 3 ng aming tanggapan.

Maraming salamat po!

04/06/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Magandang balita!

Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga transaksyon.

Maari na po kayong magpatuloy sa inyong mga transaksyon tulad ng:

β€’ Renewal ng driver’s license
β€’ Rehistro ng mga sasakyan
β€’ Iba pang kaugnay na online services

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pasensya at pag-unawa sa nangyaring technical issue. Nauunawaan namin ang abalang dulot nito.

Paalala: Maaari nang i-access ang LTMS Portal at ipagpatuloy ang inyong mga nakabinbing transaksyon. Para sa maayos na karanasan, siguraduhing stable ang inyong internet connection at i-refresh ang inyong browser bago mag-login.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagtulungan.

03/06/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Pansamantalang offline ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa nararanasan na technical issue, ngayong araw ika-3 Hunyo 2026.

Sa kasalukuyan, pansamantalang tigil operasyon ang mga sumusunod na serbisyo:

β€’ Renewal ng driver’s license
β€’ Rehistro ng mga sasakyan
β€’ Lahat ng kaugnay na ancillary services

Pinaaalalahanan ang lahat na pansamantalang ipagpaliban muna ang kanilang mga transaksyon at manatiling nakaantabay sa opisyal na mga anunsyo ng ahensya para sa updates.

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa, pasensya, at pakikiisa.

Agad na maglalabas ng abiso ang ahensya sa sandaling may progreso na sa system.

15/05/2026

π†πŽπŽπƒ 𝐍𝐄𝐖𝐒! π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐀𝐓 π‘π„π‡πˆπ’π“π‘πŽ 𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π, 𝐄𝐗𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐃 𝐀𝐍𝐆 π•π€π‹πˆπƒπˆπ“π˜

Alinsunod sa LTO Memorandum Circular No. MVL-2026-5048, extended ang validity ng mga sumusunod:

β€’ Driver’s License
β€’ Conductor’s License
β€’ Student Permit
β€’ Motor Vehicle Registration

Para sa mga dokumentong nag-expire simula April 2026, ito ay extended ng tatlong (3) buwan mula sa orihinal na expiry date.

Ang mga expired noong April at May ay maaari pang i-renew sa loob ng extension period, nang walang anumang surcharge, penalty, o multa.

Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang tuloy-tuloy at maayos na serbisyo para sa mga motorista habang isinasaalang-alang ang sitwasyon ng mga apektadong kliyente sa buong rehiyon.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na LTO office sa inyong lugar.

Address

Paclasan
Roxas
5212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO San Jose Extension Office - Roxas Ormin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share