06/10/2026
Muling bumisita si Municipal Administrator Oio Calderon kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 at Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa mga biktima ng pagsabog sa Barangay Sinamar para ipaaboot ang 10 libong food at cash assistance sa pamilya ng mga biktima. Ang mga iba pang biktima ay nabigyan na rin ng medical assistance. Sasagutin naman ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapalibing sa mga nasawing biktima.