04/08/2026
Magandang Umaga Bayan ng Roxas Palawan 🩵
Ngayong Araw
Martes August 04, 2026
Isang kababayan natin na nagngangalang Ma'am Che Galon, ang nakakita at nagsauli ng isang Wallet, na naglalaman ng mahahalagang bagay gaya ng PRC License, at iba pang Government Issued IDs.
Base sa kanyang pagkakakilanlan, sya ay nagngangalang Diokno, Aries Artillaga isang registered professional at residente ng Purok Seaside, Bgy IV, Roxas Palawan.
Sa nagmamay-ari at nakakakilala ay mangyaring pumunta lamang sa aming opisina na matatagpuan sa Terminal Main Entrance. Maraming Salamat po 🩵
Magandang Buhay 🩵