KALIPI-Roxas 2026

KALIPI-Roxas 2026 "kababaihan, Kaagapay sa Kaunlaran ng Bayan"

01/07/2026
πŸ“šπŸ€ πŠπ€π‹πˆππˆ ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππˆπ‚π€ππŽπ‘ 𝐙𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀, ππ€πŠπˆ-πˆπ’π€ 𝐒𝐀 ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 𝐒𝐀 π“π”π‹π€π‘πˆππ”π„π π„π‹π„πŒπ„ππ“π€π‘π˜ π’π‚π‡πŽπŽπ‹Nagpakita ng bayanihan at ...
03/06/2026

πŸ“šπŸ€ πŠπ€π‹πˆππˆ ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππˆπ‚π€ππŽπ‘ 𝐙𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀, ππ€πŠπˆ-πˆπ’π€ 𝐒𝐀 ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 𝐒𝐀 π“π”π‹π€π‘πˆππ”π„π π„π‹π„πŒπ„ππ“π€π‘π˜ π’π‚π‡πŽπŽπ‹

Nagpakita ng bayanihan at malasakit sa edukasyon ang mga miyembro ng KALIPI Barangay Nicanor Zabala sa kanilang pakikiisa sa Brigada Eskwela ng Tulariquen Elementary School.

Sa pamamagitan ng kanilang oras, lakas, at pagtutulungan, nakatulong sila sa paghahanda ng paaralan upang masiguro ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Taos-pusong pasasalamat sa KALIPI Barangay Nicanor Zabala at sa lahat ng mga boluntaryong patuloy na sumusuporta sa adhikaing mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating komunidad.

πŸ’™ Sama-sama para sa edukasyon.
πŸ’™ Sama-sama sa diwa ng bayanihan.





πŸ“šβœ¨ πŠπ€π‹πˆππˆ ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐍𝐄𝐖 π‚π”π˜πŽ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ, ππ€πŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 𝐒𝐀 𝐍𝐄𝐖 π‚π”π˜πŽ π„π‹π„πŒπ„ππ“π€π‘π˜ π’π‚π‡πŽπŽπ‹Ipinakita ng mga miyemb...
03/06/2026

πŸ“šβœ¨ πŠπ€π‹πˆππˆ ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐍𝐄𝐖 π‚π”π˜πŽ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ, ππ€πŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ 𝐒𝐀 𝐍𝐄𝐖 π‚π”π˜πŽ π„π‹π„πŒπ„ππ“π€π‘π˜ π’π‚π‡πŽπŽπ‹

Ipinakita ng mga miyembro ng KALIPI Barangay New Cuyo Association ang kanilang suporta at malasakit sa edukasyon sa pamamagitan ng pakikiisa sa isinagawang Brigada Eskwela sa New Cuyo Elementary School, Roxas, Palawan.

Sa pamamagitan ng boluntaryong pagtutulungan, nakiambag ang samahan sa paglilinis, pagsasaayos, at paghahanda ng mga pasilidad ng paaralan upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Patunay ang kanilang pakikilahok na ang tagumpay ng edukasyon ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong komunidad. Maraming salamat sa KALIPI Barangay New Cuyo Association sa inyong oras, dedikasyon, at malasakit para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.

οΏ½ οΏ½ οΏ½ οΏ½

MEMBER KA NA BA NG KALIPI ROXAS PALAWAN? JOIN AND BE PART OF OUR ASSOCIATION TO EMPOWERED WOMEN IN OUR MUNICIPALITY Paan...
29/04/2026

MEMBER KA NA BA NG KALIPI ROXAS PALAWAN?

JOIN AND BE PART OF OUR ASSOCIATION TO EMPOWERED WOMEN IN OUR MUNICIPALITY

Paano maging myembro?
Pumunta lamang sa inyo mga Barangay KALIPI OFFICER para magpalista sa inyong mga Lugar.

πŠπ€π‹πˆππˆ 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐄𝐒 ππˆππ€π‘π€ππ†π€π‹π€π: πŒπ”π‹π€ 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€ππˆπ‹π€ππ† π‹πˆππ‘π„ππ† ππ€π†π’π€π’π€ππ€π˜ Isang taos-pusong pagbati ang ipinapaa...
21/04/2026

πŠπ€π‹πˆππˆ 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐄𝐒 ππˆππ€π‘π€ππ†π€π‹π€π: πŒπ”π‹π€ 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€ππˆπ‹π€ππ† π‹πˆππ‘π„ππ† ππ€π†π’π€π’π€ππ€π˜

Isang taos-pusong pagbati ang ipinapaabot sa mga nagsipagtapos na miyembro ng KALIPI matapos matagumpay na makumpleto ang kanilang pagsasanay sa kabuhayan.

Pinatunayan ng mga kalahok na sa tamang diskarte at matibay na determinasyon, kahit ang simpleng produkto tulad ng banana chips at tinapa ay maaaring maging daan tungo sa pag-angat ng buhay.

Lubos din ang pasasalamat ni KALIPI Federation President/ Unang Ginang Rowena Sabando sa mga grupo ng tagapagsanay na nagbahagi ng kanilang kaalaman, lalo na kay Sir Abel Arzaga, gayundin sa patuloy na suporta ng TESDA at ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Pedy Bautista Sabando.

simula pa lamang ito ng mas marami pang pagsasanay na ilalaan para sa komunidad upang patuloy na mapaunlad ang kabuhayan ng bawat miyembro.

MALIGAYANG PAGTATAPOS SA INYONG LAHAT!

ππ†π˜. π“π€π†π”πŒππ€π˜ πŠπ€π‹πˆππˆ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ π’πˆππ”ππ”πŠπ€π πƒπˆπ 𝐀𝐍𝐆 π‹πˆππ‘π„ππ† ππ€π†π’π€π’π€ππ€π˜ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 π‚π‡πˆππ’ 𝐀𝐓 π“πˆππ€ππ€Sinamantal...
13/04/2026

ππ†π˜. π“π€π†π”πŒππ€π˜ πŠπ€π‹πˆππˆ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ π’πˆππ”ππ”πŠπ€π πƒπˆπ 𝐀𝐍𝐆 π‹πˆππ‘π„ππ† ππ€π†π’π€π’π€ππ€π˜ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 π‚π‡πˆππ’ 𝐀𝐓 π“πˆππ€ππ€

Sinamantala narin ang pagkakataon nang n mga KALIPI - Member Association Bgy. Tagumpay , Roxas Palawan, ang libreng pagsasanay na handog ng KALIPI Roxas Chapter sa pangunguna ng Unang Ginang/ KALIPI Federation President Rowena Sabando katuwang ang TESDA at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga bilang kinatawan ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando, na may kaugnayan sa paggawa ng Banana Chips at Smoke Fish o Tinapa.

Sa pamamagitan ng ganitong mga training, nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan na matuto ng praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit upang magsimula ng maliit na negosyo o mapalago ang kanilang kita.

Umaasa naman ang Asosasyon na Hindi lang kaalaman ang kanilang baon kundi pagkakataon narin para magsimula ng sariling kabuhayan at dagdag kita para sa pamilya.

π‹πˆππ‘π„ππ† π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 πƒπˆππ€π‹π”π‡π€π 𝐍𝐆 πŒπ€π‡πˆπ†πˆπ“ 𝟏𝟎𝟎 𝐍𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€π‹πˆππˆ πŒπ„πŒππ„π‘ 𝐍𝐆 π’πˆπ“πˆπŽ 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍 πˆπ’π‹π€ππƒMahigit 100 miyembro ng KAL...
10/04/2026

π‹πˆππ‘π„ππ† π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 πƒπˆππ€π‹π”π‡π€π 𝐍𝐆 πŒπ€π‡πˆπ†πˆπ“ 𝟏𝟎𝟎 𝐍𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€π‹πˆππˆ πŒπ„πŒππ„π‘ 𝐍𝐆 π’πˆπ“πˆπŽ 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍 πˆπ’π‹π€ππƒ

Mahigit 100 miyembro ng KALIPI mula sa Sitio Green Island ang lumahok sa isinagawang libreng pagsasanay na handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipag- ugnayan ng KALIPI- Roxas Chapter katuwang ang Lokal na Pamahalaan.

Layunin ng naturang programa na mabigyan ng karagdagang kaalaman at kasanayan ang mga kababaihan upang makatulong sa kanilang kabuhayan at mapalakas ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang larangan.

kabilang sa mga itinuro sa training ang mga praktikal na kasanayan na maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at maging sa paghahanap ng pagkakakitaan, tulad na lamang ng pagawa ng Banana Chips at Smoke Fish O Tinapa,

Kaugnay nito nagpapatuloy parin ngayon ang inisyatibo para sa mga kababaihan sa iba pang mga Barangay sa Munisipyo sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga, bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando at KALIPI Federation President Rowena Sabando.

πŸ”πŸ 𝐍𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π , ππ€πŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 π‹πˆππ‘π„ππ† 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 π‚π‡πˆππ’ 𝐀𝐓 π’πŒπŽπŠπ„ π…πˆπ’π‡ π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐒𝐀𝐍 πˆπ’πˆπƒπ‘πŽSinamantala na...
09/04/2026

πŸ”πŸ 𝐍𝐀 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π , ππ€πŠπˆπˆπ’π€ 𝐒𝐀 π‹πˆππ‘π„ππ† 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 π‚π‡πˆππ’ 𝐀𝐓 π’πŒπŽπŠπ„ π…πˆπ’π‡ π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐒𝐀𝐍 πˆπ’πˆπƒπ‘πŽ

Sinamantala narin ang pagkakataon nang nasa 61 na mga KALIPI - Member Association Bgy. San Isidro Roxas Palawan, ang libreng pagsasanay na handog ng KALIPI Roxas Chapter sa pangunguna ng Unang Ginang/ KALIPI Federation President Rowena Sabando katuwang ang TESDA at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordinator Abel Arzaga bilang kinatawan ni Punong Bayan Kgg. Pedy B. Sabando, na may kaugnayan sa paggawa ng Banana Chips at Smoke Fish o Tinapa.

Sa pamamagitan ng ganitong mga training, nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan na matuto ng praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit upang magsimula ng maliit na negosyo o mapalago ang kanilang kita.

Umaasa naman ang Asosasyon na Hindi lang kaalaman ang kanilang baon kundi pagkakataon narin para magsimula ng sariling kabuhayan at dagdag kita para sa pamilya.





πŠπ€π‹πˆππˆ πŒπ€π†π€π‘π€ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ π”πŒπ€π‘π€ππ†πŠπ€πƒπ€ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 π‹πˆππ‘π„ππ† 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 π‚π‡πˆππ’ 𝐀𝐓 π“πˆππ€ππ€Umarangkada na an...
07/04/2026

πŠπ€π‹πˆππˆ πŒπ€π†π€π‘π€ π€π’π’πŽπ‚πˆπ€π“πˆπŽπ π”πŒπ€π‘π€ππ†πŠπ€πƒπ€ 𝐍𝐀 𝐒𝐀 π‹πˆππ‘π„ππ† 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀 π‚π‡πˆππ’ 𝐀𝐓 π“πˆππ€ππ€

Umarangkada na ang programang pangkabuhayan ng KALIPI Magara Association matapos nitong ilunsad ang libreng pagsasanay mula sa TESDA na nakatuon sa paggawa ng banana chips at tinapa o smoked fish.

Layunin ng naturang training na mabigyan ng dagdag kaalaman at kasanayan ang mga miyembro ng samahan upang makapagsimula ng sariling kabuhayan.

Ayon sa pamunuan ng KALIPI ROXAS CHAPTER sa katauhan ng unang ginang / KALIPI Federation President Rowena Sabando, malaking tulong ang programang ito lalo na sa mga kababaihan at pamilyang naghahanap ng alternatibong pagkakakitaan.

Sa tulong ng TESDA at ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni TESDA Coordination Abel Arzaga, tinuturuan ang mga kalahok ng tamang proseso sa paghahanda, pagluluto, at packaging ng banana chips at tinapa. Kasama rin sa pagsasanay ang basic entrepreneurship upang matutunan ng mga benepisyaryo kung paano ibenta at palaguin ang kanilang produkto sa merkado.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang libreng pagsasanay na handog ng nasabing samanahan sa ilan pang mga Barangay sa Munisipyo ng Roxas.





Address

Roxas Palawan
Roxas
5308

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KALIPI-Roxas 2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share