PNP CIDG Mountain Province Provincial Field Unit

PNP CIDG Mountain Province Provincial Field Unit “Service with Integrity and Excellence” 🇵🇭

29/05/2026

ISANG PAGPUGAY SA PAMBANSANG ARAW NG WATAWAT 2026

Ngayong ika-28 ng Mayo, ang buong pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay kaisa ng buong bansa sa pagsisimula ng National Flag Days.

Nakikiisa ang CIDG sa pambansang tema ngayong taon: "Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”

KASAYSAYAN: Ating ginugunita ang makasaysayang Battle of Alapan noong 1898 kung saan unang iwinagayway ang ating pambansang sagisag.

KALAYAAN: Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani ay patuloy na pinoprotektahan ng CIDG sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kapayapaan, hustisya, at kaayusan.

KINABUKASAN: Sa bawat tamang imbestigasyon at paghahanap sa katotohanan, tinitiyak ng CIDG ang isang ligtas at mapayapang bukas para sa susunod na henerasyon ng Bagong Pilipinas.

Alinsunod sa Executive Order No. 179, inaanyayahan po namin ang bawat Pilipino na buong-mamalaking iwagayway ang ating pambansang watawat sa ating mga tahanan, opisina, at establisyimento mula ngayong araw - Mayo 28 hanggang sa Araw ng Kalayaan sa ika-12 ng Hunyo.

Taas-noo para sa bansa, katotohanan, at katungkulan.

PMGEN ROBERT AA MORICO II
Director, CIDG





28/05/2026

Address

Tambingan
Sabangan
2622

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP CIDG Mountain Province Provincial Field Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share