16/06/2023
"SOLO PARENT LIVELIHOOD SKILLS TRAINING" masaya at matagumpay na isinagawa sa Balud Hall - Convention Center noong nakaraang June 13-14 2023.
Sa tulong ng Office of the Municipal Agriculturist sa pakikipagugnayan ng MSWD Sablayan sa ating nakatalagang OIC- MAO Rodrigo J. Castillo, DVM Veterinarian |||Pinagkalooban ng dalawang araw na pagsasanay ang ating mga Solo Parents tungkol sa makabagong kaalaman at pamamaraan tungkol sa pagaalaga ng mga hayop at pagtatanim ng gulay sa mga bakuran o kabukiran. Itinuro din sa nasabing pagsasanay sa pamamagitan ni Ms Elonah Jane O. Alegre Senior Manpower Development Officer ng PESO Sablayan ang patungkol sa tamang paghawak at pagpapalago ng maliit na negosyo at pagiingat ng mga proyekto.
Layunin ng MSWD Solo Parent Program sa pangunguna ng ating Focal Person Joy S. Aquino at ng buong technical Staff Ms. Mary Grace G. Garcia, LPT / SP Coordinator, Mary Rose C. Quiño SP Staff, Bryan M. Tiongson SP Staff, Geneva S. Yasay SWA , Darlyn O. Maitem SP Staff at Ms Karen A. Cayactac ,LPT ECCD Staff sa patnubay ng OIC - MSWDO Elaine Faith F. Gonzales, RSW SWO ||| na makasunod sa pagpapatupad sa bumabang Implementing Rules and Regulations ( IRR) ng Republic Act 11861 o mas kilala sa tinatawag na Expanded Solo Parents Welfare Act , at sa atas din ng Mahal na Mayor Walter 'B**g' Marquez na palakasin, tulungan at ipadama na mayroong gobyerno na handang umalalay sa mga Solo Parent na magisang kumakalinga at bumabalikat ng responsibilidad sa kanilang mga anak.
Bahagi rin ng pagsasanay ang pagbibigay ng Welcome Remarks ni Gng. Clarinda L. Lorenzo SB Committee on Social Services, Nagpakita rin ng suporta sa nasabing programa ang ating butihing Hon. Vice-Mayor Edwin N. Mintu na nagiwan ng mahalagang mensahe at munting regalo para sa ating mga participants na dumalo.
Dahil na rin sa magandang ugnayan ng ating tanggapan sa PGOM ay dumalo rin sa nasabing pagsasanay ang kasalukuyang OIC -Administrator ng PGOM-Sablayan na si Ma'am Gracia Zamonte Fille na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa programang pang Edukasyon, Kalusugan , Kabuhayan at mga benipisyong maaring matanggap ng isang rehistradong individual na Solo Parent o grupo ng Solo Parent na inihanda ng Lokal na Pamahalaan at Provincial Government.
Sa kabuuan ay labis ang kasiyahan ng mga Solo Parent na dumalo dahil sa kanilang natutunan, mensaheng na natanggap at mga iniuwing mga souvenir at starter kit.
Tunay nga na masasabi nilang ,Kaya ko!!
Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong upang maging successful ang gawaing ito .