06/04/2026
MAAGAP NA PAGTUGON, PAMILYA AY NAIAHON
Noong ika-6 ng Abril 2026, bandang alas-8:00 ng umaga, mabilis at maagap na rumesponde ang mga tauhan ng Sagñay Municipal Police Station sa isang vehicular accident matapos ang isang van na aksidenteng mahulog sa palayan sa gilid ng kalsada sa Sitio Tramo, Brgy. San Isidro, Sagñay, Camarines Sur.
Agad na nagtungo sa lugar ang mga rumespondeng pulis, katuwang ang mga Criminology Interns mula sa Partido College, upang magsagawa ng rescue operations. Sa pamamagitan ng kanilang mabilis na aksyon, maayos na koordinasyon, at pagtutulungan, matagumpay na naiahon at nasagip ang buong pamilyang sakay ng naturang sasakyan.
Kabilang sa mga nasagip ay dalawang (2) senior citizens at tatlong (3) menor de edad. Sa kabutihang palad, ang lahat ng pasahero ay ligtas at nasa maayos na kalagayan. Isa lamang sa kanila ang nagtamo ng minor injury, partikular na isang maliit na sugat sa braso.
Matapos ang rescue operation, agad na dinala ng mga rumespondeng tauhan ang mga biktima sa Sagñay Infirmary upang mabigyan ng kaukulang medikal na pagsusuri at atensyon. Matapos ang masusing pag-check-up, kinumpirma ng mga medical personnel na ang lahat ay nasa mabuting kondisyon at wala nang malubhang pinsala.
Ipinakita ng insidenteng ito ang kahandaan, dedikasyon, at malasakit ng Sagñay MPS sa pagbibigay ng mabilis, maagap, at epektibong serbisyo sa komunidad. Ang kanilang agarang pagtugon, katuwang ang mga Criminology Interns, ay muling nagpatunay sa kahalagahan ng pakikipagtulungan at koordinasyon sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mamamayan sa oras ng pangangailangan.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng Sagñay MPS ang publiko na maging maingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga kalsadang maaaring madulas, makipot, o mapanganib, upang maiwasan ang mga kaparehong insidente at mapanatili ang kaligtasan sa lansangan.
PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police