09/04/2026
LOOK | Peace and order starts with everyday choices.
Sa ilalim ng Article 155, paragraph 2 ng Revised Penal Code, may pananagutan ang sinumang nagdudulot ng gulo sa pampublikong lugar kabilang ang kaguluhan habang lasing.
Hindi ito simpleng “bisyo lang.” Kapag may istorbo, may batas na umiiral.
Kasama rito ang:
• public disturbance at alarms and scandals
• unjust vexation o pang-iistorbo sa kapwa
• resistance o pagsuway sa awtoridad
• tumults at mas seryosong kaguluhan sa publiko
• acts against decency sa pampublikong lugar
At sa mga LGUs, may dagdag pang ordinansa sa public drinking, videoke, curfew, at iba pang nakakaapekto sa kaayusan.
Simple lang:
Uminom kung gusto. Huwag manggulo. Lalo na huwag gawin sa publikong lugar.
Respeto sa sarili. Respeto sa kapwa. Respeto sa komunidad.
May batas. Ipatupad natin nang tama.
-DILG