26/08/2025
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐๐ | ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด โ๐๐ถ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ
Umani ng samuโt saring reaksyon ang pagtanggal sa Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) bilang pangunahing wikang panturo mula kindergarten hanggang ikatlong baitang sa mga pampublikong paaralan, alinsunod sa Batas Republika Bilang 12027. Bagamaโt layunin ng batas na itong pagtuunan ng pansin ang wikang Filipino at Ingles para sa mas mataas na kalidad ng pagkatuto, nakadidismaya lamang na tila kinakaligtaan ng pamahalaan ang tungkulin nitong protektahan at paunlarin ang mga katutubong wika.
Sa kasalukuyan, isang malaking hamon ang unti-unting pagkawala ng interes ng mga kabataan sa kanilang sariling wika. Marami sa kanila ang labis na nahuhumaling sa paggamit ng social media na madalas humihikayat sa banyagang paraan ng pananalita, at nagdudulot ng maling pagbabaybay at balarila maging sa pormal na pagsulat. Habang patuloy na umuunlad ang mundo, tila kabaliktaran naman ang nangyayari sa malasakit ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika; itoโy unti-unting binabalewala at niluluma.
Bilang patunay, binigyang-diin ni Atty. Marites Barrios, tagapangulo at kinatawan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na 40 mula sa 135 wika ang nanganganib na tuluyang mawala. Sa kabila ng layunin ng bagong batas na gawing mas mahusay ang pagkatuto sa wikang Filipino at Ingles, hindi maikakailang lumalala lamang ang pangamba na maaaring mabaon sa limot ang maraming lokal na wika.
Samantala, patuloy na binabatikos ng mga progresibong g**o ang pagbabasura sa programang MTB-MLE. Sapagkat taliwas umano sa inihayag ng mga kongresista at senador na nagbasura nito, ipinakitang mas mataas pa ang mean percentage score ng mga estudyanteng lokal ang wika kaysa sa gumagamit ng Ingles sa Early Language, Literacy, and Numeracy Assessment (ELLNA). Dagdag pa ng Tanggol Wika, ang pagtanggal sa programang ito ay salungat sa rekomendasyon ng halos lahat ng eksperto sa pagkatuto at edukasyon.
Kung tutuusin, maihahalintulad ang sariling wika sa isang sulo sa kuweba. Sa gitna ng modernisasyon, nagsusulputan ang mga bagong ilaw mula sa teknolohiya at banyagang wikaโmabilis, nakaaakit, at nakasisilaw. Ngunit kahit gaano pa kaliwanag ang mga ito, hindi nila matutumbasan ang init at liwanag na dala ng sariling sulo. At kung tayo'y magpapadala at hahayaan nating mamatay ang apoy, hindi lamang dilim ang sasalubong sa atin, kundi isang madilim na ningning na kailanmaโy hindi magiging atin.
Sa huli, totoong dapat linangin ng mga Pilipino ang kanilang kasanayan sa Filipino at Ingles upang makasabay sa mabilis na agos ng mundo. Ngunit hindi kailanman dapat isakripisyo ang mga katutubong wika na siyang daluyan ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan.
Kayaโt malinaw ang hamon: bawiin ang pagbasura sa MTB-MLE at pondohan ang mga paaralang nangangailangan upang mas mapahusay ang programa, at tiyakin ang pagtataguyod sa iba pang mga programang pangkultura na magpapatibay sa ugnayan ng mga kabataan sa kanilang pinagmulan. Sa gayon, hindi lamang tayo magtuturo ng wika, kundi magtataguyod din ng bansa.
โ๏ธ MARIA ANGELA BERONGOY
๐ผ๏ธ MARIA ANGELA BERONGOY