16/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ๐ณ๐ฎ๐ท๐
Pinangunahan ng mga kawani ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO), ang pamamahagi ng mga tseke ng insurance o indemnity sa mga magsasakang nakaranas ng pinsala sa kanilang mga pananim tulad ng palay at tabako, gayundin sa mga nag-aalaga ng mga hayop na naapektuhan ng mga sakunang saklaw ng programa ng PCIC.
Layunin ng pamamahaging ito na mabigyan ng agarang tulong-pinansyal ang mga benepisyaryong magsasaka upang makatulong sa kanilang pagbangon mula sa mga naging pagkalugi at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan at produksyon sa sektor ng agrikultura.