23/06/2023
TINGNAN: Masayang ipinagdiwang ng buong Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang ika-125 Anibersaryo ng Pagkatatag sa pamamagitan ng National Simultaneous Parade of Colors ngayong araw, Hunyo 23.
Bumida ang mga kulay puti, asul, dilaw, at p**a na sumisimbolo ng Pambansang watawat ng Pilipinas na suot ng mga opisyal at kawani ng DepEd mula sa iba't ibang bahagi ng bansa na nakiisa sa programa.
Samantala, inanunsyo rin ang mga nagwagi sa ginanap na DepEd Nationwide Chorale Competition kung saan naiuwi ng Cordillera Administrative Region ang unang pwesto na sinundan ng Caraga Region para sa ikalawang pwesto at ikatlong pwesto sa National Capital Region.