25/08/2026
SEARCH AND DESTROY ANTI DENGUE CAMPAIGN
4 O'CLOCK HABIT
August 25,,2026
1Bataan Seal of Healthy Barangay
Bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Barangay West Calaguiman laban sa dengue at iba pang sakit na dulot ng lamok, matagumpay na isinagawa ang 4 O'Clock Habit noong agosto 25,,2026. Ang aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Hon. Delia M. Honra, katuwang ang Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholar (BNS), Sangguniang Kabataan, mga opisyal ng barangay, at mga residente.
Sa ganap na ika-4:00 ng hapon, sabay-sabay na nagsagawa ng paglilinis sa kani-kanilang tahanan at paligid ang mga kalahok. Isinagawa ang paghahanap at pagtatapon ng mga lalagyan na maaaring pamugaran ng lamok, paglilinis ng mga kanal, wastong pagtatapon ng basura, at pag-aalis ng naipong tubig sa mga bote, gulong, paso, at iba pang maaaring pamahayan ng mosquito larvae.
Layunin ng aktibidad na mapataas ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng regular na paglilinis ng kapaligiran bilang pangunahing hakbang sa pag-iwas sa pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue. Ipinakita rin ng mga residente ang kanilang pakikiisa at kooperasyon sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at malusog na pamayanan.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang isinagawang 4 O'Clock Habit dahil sa aktibong pakikilahok ng mga opisyal at mamamayan ng Barangay West Calaguiman. Patuloy na isusulong ng barangay ang mga ganitong programa upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maprotektahan ang kalusugan ng bawat residente laban sa dengue at iba pang vector-borne