30/05/2026
๐ข BRIGADA ESKWELA 2026: META โ TAYO ANG META NG PAGBABAGO
Ang Samal National High School โ Senior High School ay buong pusong maglulunsad ng Brigada Eskwela 2026 sa darating na Hunyo 1 hanggang 5, 2026, na may temang: โTayo ang Meta ng Pagbabago! Sama-sama Samelista!โ
Sa ilalim ng konseptong META, ating isasakatuparan ang mga sumusunod na layunin at gawain:
๐น M โ MAS is a Must
Mas masigla, mas maayos, mas maganda, at mas ligtas na kapaligiran para sa lahat. Kasama rito ang pagpaparehistro, pagpupulong, parada, at seremonya ng pagbubukas, pati na rin ang paglilinis at paghahanda ng mga pasilidad at kagamitan.
๐น E โ EM-POWER
Pagpapatibay ng kakayahan at kahandaanโhindi lamang sa pisikal na paghahanda kundi pati sa paghubog ng kaisipan. Saklaw nito ang pagtuturo tungkol sa kaligtasan at pagbawas ng panganib, pagpapalaganap ng karunungang bumasaโt sumulat, at pagsasagawa ng mga gawaing pinamumunuan ng mga mag-aaral at samahan.
๐น T โ TOUCH MOVES
Pagsasagawa ng mga hakbang para sa pagkukumpuni, pagmimintina, pagpapaganda ng pasilidad, at pagtatatag ng Gulayan sa Paaralan.
๐น A โ ALL FOR ONE
Pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor: mga g**o, mag-aaral, magulang, kawani, at mga kaagapay sa komunidad. Isasagawa rin ang mga aktibidad para sa kagalingan, pagkilala sa mga nag-ambag, at pagpapatibay ng ugnayan sa mga katuwang na ahensya at indibidwal.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at mag-ambag ng oras, lakas, at kakayahan. Ang ating pagtutulungan ay susi sa matagumpay na paghahanda para sa bagong taong panuruan.
Muli, sama-sama tayong kikilos bilang mga SAMELISTA tungo sa positibong pagbabago at pag-unlad ng ating paaralan.