18/05/2026
Naging makabuluhan at produktibo ang isinagawang ika-45 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Samal, Bataan ngayong ika-18 ng Mayo na pinangunahan ni Pansamantalang Tagapangulo, Igg. Marjun Q. Bantay, kung saan muling tinalakay ng mga miyembro ng konseho ang ibaโt ibang usaping may malaking epekto sa kapakanan ng bawat Samaleรฑo.
Isa sa mga mahahalagang resolusyong naipasa sa naturang pulong ay ang pagbibigay pahintulot kay Hon. Alexander C. Acuzar, Punong Bayan ng Samal, na lumagda sa isang Memorandum of Agreement kasama ang Walk and Talk Therapy Center na kinakatawan ni Ms. Anna Patricia Talavera. Layunin nitong mas mapalawak ang serbisyo para sa referral, assessment, at treatment ng mga batang may espesyal na pangangailangan o Children with Special Needs (CWSNs) sa ating bayan.
Bukod dito, masusing tinalakay ng konseho ang ordinansang naglalayong kilalanin at mabigyan ng attendance allowance ang mga miyembro ng Local Peopleโs Council (LPC) bilang suporta sa kanilang aktibong pakikilahok sa mga opisyal na pagpupulong, seminar, pagsasanay, at iba pang gawaing pangkomunidad.
Pinag-usapan din sa pulong ang panukalang ordinansa ukol sa pagtatatalaga ng mga tamang paradahan ng mga bangka sa kahabaan ng Ilog San Juan, kasama ang kaukulang parusa para sa mga lalabag, upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa nasabing lugar.
Samantala, isa rin sa mga naging sentro ng talakayan ang panukalang pagtatatag ng Animal Bite Treatment Center sa ilalim ng Municipal Health Office, kabilang ang paglalaan ng kinakailangang pondo upang mas mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa mamamayan.
Sa pamamagitan ng mga hakbang at programang ito, patuloy na isinusulong ng Sangguniang Bayan ang mga polisiyang nakatuon sa mas maayos, ligtas, at inklusibong serbisyo para sa bawat Samaleรฑo.