19/08/2026
๐๐๐ค๐๐๐ฒ ๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐ฌ๐๐ง๐๐ข๐ ๐&๐ | 19 Agosto 2026
Aabot sa 30 bata ang nakilahok at naging sentro ng Lakbay Pabasa para sa Bagong Pag-asa, isang learning activity na hatid ng Paranas Enhanced Distance Learning Education Program ngayong Miyerkules, Agosto 19, sa Casandig 2 Covered Court.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng joint barangayan activity ng Lokal na Pamahalaan ng Paranas para sa Barangay Casandig 1 at Casandig 2, na mas kilala bilang Adlaw para han Barangay: Serbisyo Diretso ha Tawo, kung saan inilalapit mismo sa mga barangay ang ibaโt ibang serbisyo at programa ng lokal na pamahalaan.
Sa Lakbay Pabasa, naging bahagi ng learning activity ang mga daycare pupils na nakilahok sa mga gawaing angkop sa kanilang edad, partikular ang coloring at tracing activity na nagsilbing paraan upang mahikayat silang matuto at makilahok habang nahahasa ang kanilang creativity at fine motor skills.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na matuto sa mas masaya at engaging na paraan, kasabay ng pagdadala ng serbisyo ng pamahalaan mismo sa mga komunidad.
๐๐ข๐ถ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข: ๐๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ฌ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ช๐ฃ๐ช๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐จ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ช๐ฏ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข.