USWAG San Agustin

USWAG San Agustin Bringing the Government closer to the People! A Municipality that envisions a sustained good governance – with highest standards of probity and transparency.
(3)

San Agustin, a fast-growing Municipality in the Province of Romblon, is known for its excellent leadership and active citizenship, which led to the town's continuous advancement in different sectoral committees. San Agustin is composed 15 barangays; under the leadership of Mayor Esteban SF Madrona, Jr., with the help of Vice Mayor Norman M. Fatalla, and assistance of the Municipal Officials and E

mployees, USWAG San Agustin as the Municipality's official publication, aims to disseminate factual pieces of information to every Agustinians; with the support of the entire community, we could look forward to the continuous development of our beloved town.

KALIPAYAN FESTIVAL 2026 OFFICIAL MUSIC IS HERE!Ang himig ng Kalipayan Festival 2026 ay maaari nang mapakinggan saanman!A...
04/09/2026

KALIPAYAN FESTIVAL 2026 OFFICIAL MUSIC IS HERE!

Ang himig ng Kalipayan Festival 2026 ay maaari nang mapakinggan saanman!

Available na ang ating Official Music sa Spotify, Apple Music, YouTube, at maging sa Facebook Stories!

Written by: Jerome Madrona
Music Produced by: Jay Banzuelo
Performed by: Alyssa Magracia & Lotte Magracia

I-stream na sa Spotify at pakinggan ang Kalipayan Festival 2026 Official Music!

Tara na sa San Agustin!



Jay Banzuelo · Tara na sa San Agustin (Kalipayan Festival 2026 Official Music) · Song · 2026

Bilang bahagi ng Bahaginan Program ng Local Government Academy (LGA), isang inisyatibang naglalayong itampok at maipalag...
04/09/2026

Bilang bahagi ng Bahaginan Program ng Local Government Academy (LGA), isang inisyatibang naglalayong itampok at maipalaganap ang mga natatanging inisyatiba ng mga lokal na pamahalaan sa larangan ng digital governance, nagsagawa ng Data Gathering Activity ang Panlalawigang Tanggapan ng DILG Romblon sa Bayan ng San Agustin.

Tampok sa taong ito ang 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆 (𝐔𝐧𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐒𝐦𝐚𝐫𝐭 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐟𝐥𝐨𝐰𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐀𝐝𝐚𝐩𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞) ng LGU San Agustin, isang makabagong inisyatiba na naglalayong gawing mas simple, mas mabilis, at mas episyente ang mga pang-araw-araw na proseso ng pamahalaan sa pamamagitan ng praktikal na mga digital na solusyon.

Pinangunahan ng Bahaginan Documentation Team na binubuo nina LGOO V Januer N. Ribot, LGOO II Angelo L. Capistrano, at ISA I Jett Denver M. Ramo, katuwang si MLGOO Maria Mercedes R. Regis ng Bayan ng San Agustin, ang pangangalap ng datos at dokumentasyon ng nasabing pinakamahusay na gawain upang maibahagi at maisulong bilang huwarang inisyatiba sa iba pang mga lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Bahaginan, patuloy nating pinalalakas ang kultura ng pagkatuto, inobasyon, at mahusay na pamamahala tungo sa mas episyente, mas makabago, at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko para sa mamamayan.

Pansamantalang isasara sa publiko ang Balinsasayaw Cave na matatagpuan sa Barangay Mahabangbaybay, San Agustin, Romblon,...
03/09/2026

Pansamantalang isasara sa publiko ang Balinsasayaw Cave na matatagpuan sa Barangay Mahabangbaybay, San Agustin, Romblon, alinsunod sa Resolution No. 141-2026 ng Sangguniang Bayan ng San Agustin.

Isinagawa ang hakbang na ito bilang bahagi ng pangangalaga at konserbasyon sa Balinsasayaw Cave, na kinikilala bilang mahalagang natural at cultural heritage resource ng bayan. Layunin din nitong bigyang-daan ang pagsasagawa ng Cultural Heritage Mapping, Archaeological Assessment, at Comprehensive Cave Assessment upang matiyak ang kalagayan, kaligtasan, at wastong pangangalaga sa lugar.

Sa panahon ng pansamantalang pagsasara, ipatutupad ang nararapat na seguridad at proteksyon sa lugar upang maiwasan ang anumang hindi awtorisadong pagpasok, vandalism, pagnanakaw, ilegal na paghuhukay, at iba pang gawaing maaaring makapinsala sa cave at mga yamang matatagpuan dito.

Mananatiling sarado ang Balinsasayaw Cave hanggang sa makumpleto ang mga kinakailangang pagsusuri at maideklarang ligtas at angkop para sa muling pagbubukas.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon.


03/09/2026

📢 PARA SA ATING MGA EXAMINEES

Ang Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) ay gaganapin na ngayong September 20, 2026.

📅 Date: September 20, 2026 (Sunday)
📍 Venue: San Agustin Central Elementary School, San Agustin, Romblon

Para sa iba pang updates, abangan lamang po ang mga susunod na announcements dito sa aming page o bisitahin ang official page ng PRC Region IVB - MIMAROPA.

03/09/2026
NOTICE OF AWARD FOR THE FOLLOWING PROCUREMENTSPURCHASE OF DRUGS AND MEDICINESAwarded to : NORTH STAR PHARMACY & MEDICAL ...
03/09/2026

NOTICE OF AWARD FOR THE FOLLOWING PROCUREMENTS

PURCHASE OF DRUGS AND MEDICINES
Awarded to : NORTH STAR PHARMACY & MEDICAL SUPPLY
Contract Price : 996,093.00

PURCHASE & INSTALLATION OF LED DISPLAY
Awarded to : RMD MARKETING
Contract Price : 799,000.00


Nagsimula ngayong araw ang Mobile Blood Donation Drive na ginaganap sa D’Dome, Poblacion, San Agustin, Romblon.Isinasaga...
03/09/2026

Nagsimula ngayong araw ang Mobile Blood Donation Drive na ginaganap sa D’Dome, Poblacion, San Agustin, Romblon.

Isinasagawa ang aktibidad ng Philippine Red Cross – Romblon Chapter, sa pakikipagtulungan ng RHU San Agustin at MDRRMO San Agustin, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong donors na makapagbigay ng dugo para sa mga nangangailangan.

Nakiisa rin si Mayor Aaron James C. Madrona sa nasabing aktibidad at sumuporta sa Mobile Blood Donation Drive na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong blood donors na magtungo sa D’Dome at makiisa sa Mobile Blood Donation Drive hanggang alas-3:00 ng hapon ngayong araw.


03/09/2026

03 September 2026 | BIDDING
Hotel Accommodation, Venue, Meals, and Other Amenities for the Training/Seminar on GAD Agenda Formulation

02/09/2026

Music on, worries off, VIBE on! 🎶💜

Kilalanin ang rising OPM singer-songwriter from Romblon, Philippines, best known for his heartfelt hit “Bihag”. Humanda na mabihag kay Berto mamaya sa Vibe Nights!

Mondays to Fridays at 10:45 PM, on TV5 or stream it via the TV5 Kapatid Livestream online!





Address

Gutierrez Street
San Agustin

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when USWAG San Agustin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to USWAG San Agustin:

Shortcuts

Share