DILG San Agustin, Romblon

Directions

DILG San Agustin, Romblon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DILG San Agustin, Romblon, Government Organization, DILG San Agustin Field Office, 2nd Floor, Municipal Building, Poblacion, Romblon, San Agustin.

πŸ‡΅πŸ‡­USWAG AGUSTINO CARAVAN 1.0 to 2.0SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA MAS RESPONSABLENG PAMAMAHALAIsang mahalagang hakbang tun...
10/09/2026

πŸ‡΅πŸ‡­USWAG AGUSTINO CARAVAN 1.0 to 2.0
SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA MAS RESPONSABLENG PAMAMAHALA

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas bukas, inklusibo, at responsibong pamamahala ang isinagawa ng Municipality of San Agustin, Romblon sa pamamagitan ng Orientation on the Open Government Partnership (OGP) Localization Program para sa Multi-Stakeholder Steering Committee, kasabay ng Problem-Solution Workshop for the Identification of Flagship Program Actions, noong Setyembre 9, 2026, sa Mabuhay Hall, San Agustin, Romblon.

Aktibong nakilahok sa aktibidad ang Multi-Stakeholder Steering Committee, na binubuo ng mga Civil Society Organizations (CSOs), National Government Agencies (NGAs), at mga opisyal at kawani ng Municipal LGU. Sama-sama nilang tinalakay ang Transparency, Accountability, and Participation (TAP) bilang mahahalagang prinsipyo sa pagpapalakas ng lokal na pamamahala.

Pinangunahan ang aktibidad ni MLGOO Maria Mercedes R. Regis ng DILG San Agustin, kasama sina Dr. Leonora V. Divina bilang Resource Speaker at Mr. Jayson Enciso bilang Documenter mula sa Romblon State University.

Sa pamamagitan ng problem identification at solutions mapping, sama-samang tinukoy ng mga stakeholder ang mga pangunahing suliranin at hamon, mungkahing solusyon, milestones, at posibleng risks para higit pang mapahusay ang USWAG Agustino Caravan.

Ang pag-usad mula Caravan 1.0 tungo sa Caravan 2.0 ay sumasalamin sa patuloy na hangarin ng San Agustin na makinig, makipagtulungan, magpabago, at kumilosβ€”kasama ang iba't ibang sektor para sa mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.

Mula sa konsultasyon tungo sa kolaborasyon.
Mula sa mga hamon tungo sa konkretong solusyon.
Mula USWAG Agustino Caravan 1.0 tungo sa mas matatag at mas responsibong 2.0.

Sama-sama nating itaguyod ang isang San Agustin na transparent, accountable, inclusive,, at responsive.

πŸ‡΅πŸ‡­ ULAT, PLANO, KAG-PAGUSWAG!Barangay Quarterly Consultative and Coordination MeetingπŸ“… September 7, 2026πŸ“ 2nd Floor, Com...
07/09/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ ULAT, PLANO, KAG-PAGUSWAG!
Barangay Quarterly Consultative and Coordination Meeting

πŸ“… September 7, 2026
πŸ“ 2nd Floor, Complex Building, Poblacion, San Agustin, Romblon

Isinagawa ang Barangay Quarterly Consultative and Coordination Meeting, na dinaluhan ng mga Punong Barangay, Barangay Secretaries, Barangay Treasurers, SK Chairpersons, at SK Members/Kagawad ng San Agustin, Romblon.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang mga sumusunod:

1. DILG MC No. 2026-037 – Safer Schools Zone
Pagbibigay ng gabay sa mga barangay tungkol sa pagpapatupad ng Safer Schools Zone at pagsusumite ng kinakailangang Annex D.

2. Diskusyon hinggil sa Possible SGLGB Indicators
Paunang talakayan at pagpapalitan ng mga mungkahi hinggil sa mga posibleng governance areas at indicators na maaaring isaalang-alang sa SGLGB, bilang bahagi ng konsultasyon at paghahanda ng mga barangay.

3. 3rd Quarter Compliance and 4th Quarter Deliverables- Pagsusuri sa status ng compliance ng Barangay at SK at pagtukoy sa mga kinakailangang deliverables para sa 4th Quarter CY 2026.

4. Inventory Forms and MATT On-Site Validation
Pagpapaalala sa pagsusumite ng Inventory Forms at paghahanda ng mga barangay para sa nakatakdang Municipal Assessment and Transition Team (MATT) on-site validation.

5. DANGAL ng Barangay Awarding Program
Paglalahad ng mga pamantayan para sa pagkilala sa mahusay na performance, compliance, innovation, at good governance ng mga barangay.

6. SK Functionality Assessment
Konsultasyon sa mga SK hinggil sa mga posibleng indicators at inputs para sa mas makabuluhang assessment ng kanilang functionality at performance.

7. Pagkalap ng mga kailangan na Capacity Development activities- Pagkalap ng mga mungkahi mula sa mga barangay hinggil sa mga capacity development activities na kinakailangan batay sa kanilang mga pangangailangan at hamon sa pamamahala.

8. Issues and Concerns on Barangay Governance
Bukas na talakayan para sa mga isyu, concerns, paglilinaw, at hamon na kinakaharap ng mga barangay at SK.

Sa pamamagitan ng patuloy na konsultasyon, koordinasyon, at sama-samang pagpaplano, higit nating napapalakas ang mahusay, transparent, accountable, at responsive na barangay governance.

ULAT. PLANO. KAG-PAGUSWAG.
Mag-ulat. Magplano. Makipag-ugnayan.
Sama-samang umuswag! πŸ‡΅πŸ‡­

Bilang bahagi ng Bahaginan Program ng Local Government Academy (LGA), isang inisyatibang naglalayong itampok at maipalag...
04/09/2026

Bilang bahagi ng Bahaginan Program ng Local Government Academy (LGA), isang inisyatibang naglalayong itampok at maipalaganap ang mga natatanging inisyatiba ng mga lokal na pamahalaan sa larangan ng digital governance, nagsagawa ng Data Gathering Activity ang Panlalawigang Tanggapan ng DILG Romblon sa Bayan ng San Agustin.
Tampok sa taong ito ang 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆 (π”π§π’πŸπ’πžπ π’π¦πšπ«π­ π–π¨π«π€πŸπ₯𝐨𝐰𝐬 𝐟𝐨𝐫 π€ππšπ©π­π’π―πž π†π¨π―πžπ«π§πšπ§πœπž) ng LGU San Agustin, isang makabagong inisyatiba na naglalayong gawing mas simple, mas mabilis, at mas episyente ang mga pang-araw-araw na proseso ng pamahalaan sa pamamagitan ng praktikal na mga digital na solusyon.
Pinangunahan ng Bahaginan Documentation Team na binubuo nina LGOO V Januer N. Ribot, LGOO II Angelo L. Capistrano, at ISA I Jett Denver M. Ramo, katuwang si MLGOO Maria Mercedes R. Regis ng Bayan ng San Agustin, ang pangangalap ng datos at dokumentasyon ng nasabing pinakamahusay na gawain upang maibahagi at maisulong bilang huwarang inisyatiba sa iba pang mga lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Bahaginan, patuloy nating pinalalakas ang kultura ng pagkatuto, inobasyon, at mahusay na pamamahala tungo sa mas episyente, mas makabago, at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko para sa mamamayan.

03/09/2026
πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPAPALAKAS NG KAHANDAAN PARA SA MAAYOS NA TRANSISYON SA BARANGAYNoong Agosto 20, 2026, isinagawa ng DILG San Agusti...
03/09/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ PAGPAPALAKAS NG KAHANDAAN PARA SA MAAYOS NA TRANSISYON SA BARANGAY

Noong Agosto 20, 2026, isinagawa ng DILG San Agustin Field Office, sa pamamagitan ni MLGOO Maria Mercedes R. Regis, ang Orientation on the Roles and Responsibilities of the Municipal Assessment and Transition Team (MATT) hinggil sa imbentaryo at turnover ng mga ari-arian, rekord pinansyal, dokumento, at money accountabilities ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK), alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2026-021.

Tinalakay ang mga tungkulin, proseso, dokumentaryong kinakailangan, iskedyul, at mekanismo ng koordinasyon ng MATT at Barangay and SK Inventory Teams (BSKITs), bilang paghahanda para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Bilang bahagi ng mga napagkasunduang hakbang, binuo ang dalawang validation teams para sa onsite validation sa mga barangay, kasama ang itinakdang iskedyul at kinakailangang logistical arrangements.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, higit na pinatatatag ang kahandaan, koordinasyon, at pananagutan ng mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang kumpleto, wasto, at sistematikong inventory at turnover ng mga ari-arian, dokumento, rekord, at accountabilities.

Matatag na paghahanda. Maayos na koordinasyon. Tuloy-tuloy na serbisyo. πŸ‡΅πŸ‡­

READ | LGUs can now tap 20% dev’t fund for energy projects under new policyLocal government units (LGUs) can now use the...
02/09/2026

READ | LGUs can now tap 20% dev’t fund for energy projects under new policy

Local government units (LGUs) can now use their 20% Development Fund (DF) for projects aimed at cushioning the impact of the country’s energy crisis, under new guidelines jointly issued by the Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), and Department of Finance (DOF).

The new policy allows LGUs to use their Development Fund for the construction and/or establishment of local oil storage facilities; expansion of renewable energy projects and smart and green grid systems; and procurement of electric vehicles (EVs) for health services, uniformed services, and disaster risk preparedness and response operations.

Projects may also include the construction and installation of solar photovoltaic systems and infrastructure, as well as other applicable energy efficiency projects recommended by the Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee.

Under DBM-DOF-DILG Joint Memorandum Circular No. 1 dated August 4, 2026, LGUs may fund development-oriented and capital-intensive projects that support the government’s Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Framework.

The UPLIFT Framework was adopted under Executive Order (EO) No. 110, s. 2026, following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s declaration of a State of National Energy Emergency. It provides a unified government response to safeguard energy stability, economic continuity, and public welfare.

The JMC supplements an earlier directive governing the appropriation and use of the 20% DF, giving LGUs greater flexibility to align local resources with the UPLIFT Framework and undertake interventions that mitigate the effects of the energy emergency.

LGUs are likewise encouraged to coordinate with relevant national government agencies to ensure that local interventions complement existing programs and provide additional support to sectors or areas not sufficiently covered by national or local initiatives.

The DILG emphasized that energy efficiency and conservation projects funded under the 20% DF must be integrated into local planning, investment programming, budgeting, and reporting mechanisms, including the Local Energy Efficiency and Conservation Plan.

The fund, however, cannot be used for recurring expenses such as fuel purchases, electricity and water bills, and other day-to-day administrative costs.

Through the newly issued guidelines, LGUs can mobilize local investments toward cleaner, more resilient, and energy-efficient communities while helping cushion the impact of global energy uncertainties on local economies and the delivery of essential public services.

MUNICIPAL RESILIENCE PLANNING WORKSHOP | DAY 2Isinagawa ang ikalawang araw ng Municipal Resilience Planning Workshop ng ...
01/09/2026

MUNICIPAL RESILIENCE PLANNING WORKSHOP | DAY 2

Isinagawa ang ikalawang araw ng Municipal Resilience Planning Workshop ng Lokal na Pamahalaan ng San Agustin, Romblon sa ilalim ng Philippine Community Resilience Project – DSWD KALAHI-CIDSS.

Sinimulan ang workshop sa isang pagbabalik-tanaw sa mga naging bahagi ng unang araw noong August 13, 2026, kabilang ang Presentation of Priority-Setting of Risks Results at Overview of Municipal Resilience Plan (MRP) and Eligibility Requirements.

Nagpatuloy naman ang mga kalahok sa mga pangunahing gawain para sa pagbuo ng Municipal Resilience Plan, kabilang ang Drafting of Municipal Resilience Plan PPAs and Concept Notes, Presentation of Formulated Objectives and PPAs per Sector, Consolidation and Finalization of Objectives and PPAs, at Presentation of the Draft MRP.

Sa pamamagitan ng workshop na ito, patuloy na pinagtitibay ang pagpaplano at koordinasyon ng bawat sektor upang makabuo ng mga konkretong programa, proyekto, at aktibidad na tutugon sa mga panganib at hamon na maaaring makaapekto sa komunidad.

πŸ†βœ¨ DANGAL ng Barangay 2026: Pagkilala sa Natatanging Pagganap at Huwarang Pamamahalaβ€œExcellence deserves to be recognize...
26/08/2026

πŸ†βœ¨ DANGAL ng Barangay 2026: Pagkilala sa Natatanging Pagganap at Huwarang Pamamahala

β€œExcellence deserves to be recognized. Good governance deserves to be celebrated.”

Noong Agosto 25, 2026, isinagawa ng DILG San Agustin Field Office ang DANGAL ng Barangay Recognition, isang localized recognition program na naglalayong kilalanin ang mga barangay na nagpakita ng mahusay na pagganap, responsableng pamamahala, makabuluhang inobasyon, at natatanging paglilingkod sa komunidad.

Ang pagkilala ay hindi lamang tungkol sa pagiging pinakamahusayβ€”ito ay tungkol sa pagbibigay-halaga sa mabubuting gawain, pagtataguyod ng kultura ng kahusayan, at pagbabahagi ng mga praktis na maaaring tularan at i-replicate ng iba pang barangay.

CONGRATULATIONS TO OUR DANGAL ng BARANGAY AWARDEES!

πŸ† DANGAL ng BARANGAY SPECIAL AWARDS 2026

Prompt Reporting and Compliance Excellence Award
-Barangay Sugod

Innovative Governance Award
-Barangay Lusong

πŸ† HIGHLY FUNCTIONAL BCPCs (Performance Year 2024 | Assessment Year 2025)
β€’ Barangay Bachawan
β€’ Barangay Cabolutan
β€’ Barangay DoΓ±a Juana
β€’ Barangay Dubduban
β€’ Barangay Hinugusan
β€’ Barangay Lusong
β€’ Barangay Mahabang Baybay

πŸ† COMPLIANT BADACs (Review Year 2025)
1. Barangay Bachawan
2. Barangay Binonga-an
3. Barangay Buli
4. Barangay Cabolutan
5. Barangay Cagbo-aya
6. Barangay Camantaya
7. Barangay Cawayan
8. Barangay Carmen
9. Barangay DoΓ±a Juana
10. Barangay Dubduban
11. Barangay Hinugusan
12. Barangay Lusong
13. Barangay Mahabang Baybay
14. Barangay Poblacion
15. Barangay Sugod

πŸ† HIGHLY FUNCTIONAL BPOCs (Review Year 2025)
1. Barangay Bachawan
2. Barangay Binonga-an
3. Barangay Buli
4. Barangay Cabolutan
5. Barangay Cagbo-aya
6. Barangay Camantaya
7. Barangay Cawayan
8. Barangay Carmen
9. Barangay DoΓ±a Juana
10. Barangay Dubduban
11. Barangay Hinugusan
12. Barangay Lusong
13. Barangay Mahabang Baybay
14. Barangay Poblacion
15. Barangay Sugod

πŸ† LTIA 2026 – PROVINCIAL FINALIST
Outstanding Lupong Tagapamayapa – 3rd Class Municipalities Category
- Barangay DoΓ±a Juana

πŸ† TOP 5 BARCO PERFORMING BARANGAYS (First Quarter of 2026)

β€’ Barangay Cagbo-aya
β€’ Barangay Lusong
β€’ Barangay Mahabang Baybay
β€’ Barangay Sugod
β€’ Barangay Cabolutan

πŸ† TOP 3 BarKaDa PERFORMING BARANGAYS (First Quarter of 2026)
β€’ Barangay DoΓ±a Juana
β€’ Barangay Camantaya
β€’ Barangay Hinugusan

Ang bawat parangal ay pagkilala sa commitment, service, innovation, leadership, at DANGAL ng ating mga Punong Barangay, barangay officials, functionaries, volunteers, at community partners.

Higit sa isang parangal, ang pagkilalang ito ay isang paanyaya na ipagpatuloy ang mga mabubuting gawain, ibahagi ang mga epektibong practices, at maging inspirasyon sa iba pang barangay.

DANGAL ng Barangay is not about who is the bestβ€”it is about raising the standard for everyone.

Sama-sama nating itaas ang antas ng mahusay, tapat, makabuluhan, at citizen-centered na pamamahala sa bawat barangay ng San Agustin. πŸ‡΅πŸ‡­

Patuloy nating paglingkuran ang ating mga kababayan nang may husay, puso, at DANGAL.



26/08/2026

LIVE NOW | Understanding Pax Silica: The Role of DILG and LGUs in Driving Economic Security

Address

DILG San Agustin Field Office, 2nd Floor, Municipal Building, Poblacion, Romblon
San Agustin

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DILG San Agustin, Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share