01/09/2026
⚠️ PUBLIC SAFETY REMINDER | HAZE
Dahil sa mga ulat ng forest fires sa Indonesia at sa umiiral na Southwest Monsoon (Habagat), pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng paglala ng air quality o pag-abot ng haze sa ilang bahagi ng bansa.
Para sa kaligtasan ng lahat:
😷 Magsuot ng face mask, lalo na kung kapansin-pansin ang usok, haze o alikabok sa paligid.
🏠 Iwasan ang matagal na pananatili at mga hindi kinakailangang gawain sa labas kung makapal ang haze.
👶👵 Mas pag-ingatin ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may asthma o iba pang respiratory conditions.
💨 Isara ang mga bintana at pintuan kung mas maayos ang air quality sa loob ng bahay kaysa sa labas.
🚗 Mag-ingat sa pagmamaneho kung mababa ang visibility dahil sa haze.
📱 Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA, DOH at inyong Local Government Unit tungkol sa lagay ng panahon at kalidad ng hangin.
❗Kung makaranas ng hirap sa paghinga, matinding ubo, pananakit ng dibdib, pagkahilo o iba pang hindi pangkaraniwang sintomas, agad na humingi ng medical assistance.
Manatiling alerto at palaging unahin ang kaligtasan Treceño. 💙