13/06/2024
TOP 6 MOST WANTED PERSON NG PROBINSYA NG ROMBLON, HULI
By: PMSg Ronel M Mangaya
PCR PNCO
SAN AGUSTIN ROMBLON – Arestado ang Top 6 Most Wanted Person ng probinsya ng Romblon sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng pinagsanib na pwersa ng San Agustin Municipal Police na pinamumunuan ni PMAJ JOSELITO SAPE, Acting COP at mga myembro ng Sta,Fe Municipal Police Station, PIU Romblon, at Romblon PMFC noong bandang alas 4:30 ng hapon, Hunyo 10, 2024 sa Brgy Pandan, Santa Fe, Romblon.
Ang nasabing akusado ay napabilang din sa Top 1 Most Wanted ng bayan ng San Agustin,Romblon.
Ang akusado ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong Statutory R**e o paglabag sa Republic Act 11648 na inisyu ni Honorable Judge Donna Borda Pascual, Family Court, Fourth Judicial Region-Branch 19 Romblon, Romblon, at may kasong kriminal bilang FC-253-E-24.
Nakasaad sa nasabing Warrant of Arrest na walang kaukulang piyansa ang nasabing kaso.
Kaagad naman itong inihatid sa nasabing korte pagkatapos sumailalim sa mga nararapat na pagproseso para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon para sa tinatawag na ‘commitment proceedings’.