12/05/2026
PROGRAM UPDATE | Matagumpay na naisagawa ang Municipal Orientation para sa Philippine Community Resilience Project (PCRP) ng DSWD KALAHI-CIDSS sa bayan ng San Andres. Nagbigay ng kanilang mensahe ng suporta at pakikiisa sina Municipal Mayor Hon. Ralph Edward B. Lim, Municipal Vice Mayor Hon. Nelson D. Ausa, at PCRP Focal Person, MPDC Carl John S. Banal, EnP.
Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, aktibong partisipasyon, at matibay na koordinasyon ng Barangay at bawat miyembro ng Municipal Resilience Team (MResT) upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng programa tungo sa mas handa, matatag, at ligtas na pamayanan sa bayan ng San Andres.