19/08/2026
Announcement ‼️
Pansamantalang ipagpapaliban muna ang pagkukumpuni ng mga Street Light sa ating Barangay. Nais po naming ipabatid sa lahat na pansamantalang ipinagpapaliban ang pagkukumpuni ng mga street light dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan na dulot ng Habagat.
Isinagawa ang pagpapaliban upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa at maiwasan ang anumang aksidente habang masama ang panahon.
Agad na ipagpapatuloy ang pagkukumpuni kapag bumuti na ang lagay ng panahon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.