Mayor Gege Salonga-Esquivel, MD

Mayor Gege Salonga-Esquivel, MD Official FB Page of
Mayor Gege Salonga-Esquivel, MD

Sa paggunita natin sa ika-130 anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, ating binibigyang-pugay ang katapangan, pagkaka...
02/09/2026

Sa paggunita natin sa ika-130 anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, ating binibigyang-pugay ang katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno na naging bahagi ng makasaysayang pakikibaka para sa kalayaan.

Ang mahalagang pangyayaring ito ay patuloy na nagpapaalala sa atin ng ating pagkakakilanlan bilang mga Novo Ecijanoโ€”matatag, nagkakaisa, at may malasakit sa kapwa at sa bayan.

Nawaโ€™y patuloy nating pahalagahan ang ating kasaysayan at maipasa sa mga susunod na henerasyon ang mga aral ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa ating bayan.

Sa buong lalawigan ng Nueva Ecija, taos-puso ang aking pakikiisa at pagbati sa makabuluhang paggunita na ito.

Maligayang ika-130 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija!
Mabuhay ang Nueva Ecija!
Mabuhay ang bawat Novo Ecijano!



๐ŸŒง๏ธ Paalala po sa ating mga kababayan ngayong tag-ulan.Kahit walang nakikitang sugat, hindi ibig sabihin ay ligtas na sa ...
31/08/2026

๐ŸŒง๏ธ Paalala po sa ating mga kababayan ngayong tag-ulan.

Kahit walang nakikitang sugat, hindi ibig sabihin ay ligtas na sa leptospirosis matapos lumusong sa baha. Maaaring makapasok ang bacteria sa katawan sa pamamagitan ng maliliit o hindi nakikitang sugat sa balat.

Kung kayo po ay nakalubog o lumusong sa baha, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP Clinic upang masuri kung kailangan ng doxycycline prophylaxis.

Huwag po nating balewalain ang mga posibleng panganib ng baha. Unahin ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya. ๐Ÿ’™


Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Walang Sugat pero Lumusong sa Baha? Pwede pa ring Magkaroon ng Leptospirosis at iba pang mga sakit!

Paalala ng Department of Health kung lumusong sa baha, may sugat man o wala, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP Clinic upang malaman kung kailangan ng doxycycline prophylaxis.


Ngayong National Heroes Day, buong puso nating inaalala at pinararangalan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, t...
31/08/2026

Ngayong National Heroes Day, buong puso nating inaalala at pinararangalan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa ating kalayaan at sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

Hindi man natin sila nakilala nang personal, ang kanilang mga ginawa ang patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa atin upang maging mabuting mamamayan at maglingkod nang may malasakit sa kapwa.

At sa panahon ngayon, naniniwala ako na ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo. Makikita rin ito sa bawat taong tapat na nagtatrabaho, tumutulong sa nangangailangan, nagmamalasakit sa kapwa, at patuloy na gumagawa ng mabuti para sa ating komunidad.

Saludo po ako sa lahat ng ating mga bayaniโ€”noon, ngayon, at sa mga patuloy na naglilingkod nang buong puso.๐Ÿ’™

Maligayang Araw ng mga Bayani!




๐ŸŒŠ PATULOY ANG PAGMAMATYAG SA ATING MGA ILOGPatuloy po ang ating MDRRMO San Antonio sa regular na pag-monitor ng water le...
29/08/2026

๐ŸŒŠ PATULOY ANG PAGMAMATYAG SA ATING MGA ILOG

Patuloy po ang ating MDRRMO San Antonio sa regular na pag-monitor ng water level sa Pampanga River, partikular sa Brgy. Julo at Brgy. Luyos.

Sa monitoring ngayong August 29, 2026, alas-3:30 ng hapon, nananatiling below normal ang water level.

Bagamaโ€™t nasa normal na kondisyon sa ngayon, patuloy tayong nag-iingat at nagbabantay, lalo na sa ating mga kababayan na nakatira sa mga low-lying at flood-prone areas.

Maraming salamat sa ating MDRRMO sa kanilang patuloy na pagbabantay at agarang pagbibigay ng impormasyon. ๐Ÿ’™

Manatiling alerto, makinig sa opisyal na mga abiso, at sama-sama tayong maging handa sa anumang pagbabago ng panahon.



 #๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž)Mga kababayan, alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecij...
28/08/2026

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž)

Mga kababayan, alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas bukas, Sabado, Agosto 29, 2026.

๐Ÿ“š PERO MAY KLASE PA RIN โ€” ASYNCHRONOUS LEARNING

Para sa mga paaralan at higher education institutions na may nakatakdang klase tuwing Sabado, ASYNCHRONOUS LEARNING o iba pang alternative delivery mode ang ipatutupad, alinsunod sa kanilang mga patakaran.

Ibig sabihin, walang face-to-face classes, ngunit maaaring magkaroon ng learning activities o requirements na maaaring gawin ng mga mag-aaral nang hindi kinakailangang pumasok sa paaralan.

Ginagawa ang hakbang na ito bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, faculty members, at school personnel dahil sa patuloy na pag-ulan at posibilidad ng pagbaha.

Patuloy po tayong maging alerto at subaybayan ang mga opisyal na abiso ng ating mga paaralan at kinauukulang ahensya.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas. ๐Ÿ’™

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at alinsunod sa Executive Order No. 27, Series of 2026, ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐๐ข๐๐จ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐š๐œ๐ž-๐ญ๐จ-๐Ÿ๐š๐œ๐ž ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐’๐š๐›๐š๐๐จ.

๐๐ข๐ง๐ข๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง-๐๐ข๐ข๐ง ๐ง๐š ๐ฌ๐š๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ๐ข๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐จ๐ฅ๐ž๐ก๐ข๐ฒ๐จ ๐š๐ญ ๐ฎ๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐๐š๐, kabilang ang mga college students na may nakatakdang klase tuwing Sabado.

Ang mga paaralan at higher education institutions ay hinihikayat na magpatupad ng naaangkop na ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐๐ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ ๐ฆ๐จ๐๐ž๐ฌ, gaya ng asynchronous learning, alinsunod sa kanilang umiiral na mga patakaran at alituntunin.

Ang hakbang na ito ay isinagawa bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, faculty members, at school personnel dahil sa patuloy at malakas na pag-ulan na nararanasan sa lalawigan at sa inaasahang lagay ng panahon bukas.

Ayon sa mga pinakahuling abiso ng DOST-PAGASA ngayong Agosto 28:

โ€ข Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang kasalukuyang minomonitor. Ang isang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at isa pang LPA sa labas ng PAR ay kapwa may ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐”๐Œ ๐œ๐ก๐š๐ง๐œ๐ž na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

โ€ข Sa Weather Advisory No. 24 para sa Southwest Monsoon o Habagat, inaasahang makararanas ang Nueva Ecija ng humigit-kumulang ๐Ÿ“๐ŸŽโ€“๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ฆ๐ฆ ๐ง๐  ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง at nasa ilalim ng ๐˜๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐‡๐ž๐š๐ฏ๐ฒ ๐‘๐š๐ข๐ง๐Ÿ๐š๐ฅ๐ฅ ๐Ž๐ฎ๐ญ๐ฅ๐จ๐จ๐ค para sa Agosto 29.

โ€ข Mula alas-5:00 ng umaga ngayong Agosto 28, sunod-sunod na Heavy Rainfall Warnings ang inilabas para sa Nueva Ecija. Umabot sa ๐Ž๐ซ๐š๐ง๐ ๐ž ๐–๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐‹๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ ang maraming bahagi ng lalawigan, habang nanatili namang nasa Yellow Warning Level ang iba pang lugar. Ang patuloy na pag-ulan ay nagpapataas ng posibilidad ng pagbaha, lalo na sa mga mabababa at flood-prone na lugar.

Dahil dito, hinihikayat ang lahat na iwasan ang hindi kinakailangang pagbiyahe, manatiling mapagmatyag, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, PDRRMO, at Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.

๐Œ๐š๐ -๐ข๐ง๐ ๐š๐ญ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ, ๐ฆ๐ ๐š ๐๐จ๐ฏ๐จ ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š๐ง๐จ! ๐Ÿ’™

Ngayong araw, nakadalaw po tayo kay Nanay Conchita Antonio sa Brgy. Cama Juan bilang bahagi ng ating Bedridden Care Prog...
28/08/2026

Ngayong araw, nakadalaw po tayo kay Nanay Conchita Antonio sa Brgy. Cama Juan bilang bahagi ng ating Bedridden Care Program.

Si Nanay Conchita ay may psoriasis at hypertension, at kasalukuyan ding may fractured hips. Nagdala po tayo ng kaunting tulong at naglaan ng oras para makumusta siya at ang kanyang pamilya.

Bilang isang doktor, alam ko kung gaano kahirap para sa isang pasyente at sa kanyang pamilya ang ganitong sitwasyon. Kaya hanggaโ€™t maaari, gusto nating personal na mapuntahan at makumusta ang ating mga kababayan na hindi na kayang lumabas ng kanilang tahanan.

Nanay Conchita, patuloy po kaming nananalangin para sa inyong lakas at paggaling. Ingat po kayo palagi. ๐Ÿ’™

Patuloy po ang ating pagdalaw at pag-alalay sa ating mga kababayang nangangailangan.



 #๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐…๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐˜)Mga minamahal kong kababayan, alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Panlalawiga...
27/08/2026

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐…๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐˜)

Mga minamahal kong kababayan, alinsunod sa direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija at bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Bayan ng San Antonio bukas, Biyernes, Agosto 28, 2026.

Patuloy nating subaybayan ang mga opisyal na abiso kaugnay ng lagay ng panahon at maging maingat sa pagbiyahe, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng malakas na pag-ulan at pagbaha.

Unahin natin ang kaligtasan ng ating mga anak, g**o, at bawat pamilya.

Mag-ingat po tayong lahat at manatiling ligtas. ๐Ÿ’™

#๐–๐€๐‹๐€๐๐†๐๐€๐’๐Ž๐Š | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐…๐‘๐ˆ๐ƒ๐€๐˜)

Sa direktiba ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, at alinsunod sa Executive Order No. 26, Series of 2026, bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, ๐ข๐ง๐ข๐ซ๐ž๐ซ๐ž๐ค๐จ๐ฆ๐ž๐ง๐๐š ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ž ๐ง๐  ๐Ÿ๐š๐œ๐ž-๐ญ๐จ-๐Ÿ๐š๐œ๐ž ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐ง๐  ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ, ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Batay sa PAGASA Weather Advisory No. 20, kabilang ang Nueva Ecija sa mga lugar na nasa Yellow Heavy Rainfall Outlook. Isinasaalang-alang din ang magkakasunod na Rainfall Advisory, Thunderstorm Advisory, at Heavy Rainfall Warning na inilabas ngayong araw, Agosto 27, dahil sa nararanasang malakas hanggang matinding pag-ulan sa lalawigan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at subaybayan ang mga opisyal na abiso para sa mga susunod na update.

Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! ๐Ÿ’™

Maraming salamat po, Barangay San Francisco! โค๏ธNapakasaya po ng aming puso na makita ang inyong mainit na pagtanggap at ...
27/08/2026

Maraming salamat po, Barangay San Francisco! โค๏ธ

Napakasaya po ng aming puso na makita ang inyong mainit na pagtanggap at pakikiisa sa ating . Bawat ngiti, bawat kwentuhan, at bawat serbisyong naihatid sa ating mga kababayan ay isang paalala kung bakit mahalaga ang ating patuloy na paglapit ng serbisyo sa bawat barangay.

Taos-puso po akong nagpapasalamat kay Vice Mayor Arvin Salonga, sa ating mga Sangguniang Bayan Members, at lalong-lalo na kay Punong Barangay RJ Bitangcol kasama ang buong Barangay Council, sa inyong suporta at pakikipagtulungan.

Maraming salamat din po sa ating mga Department Heads at municipal employees, volunteers, private partners, at lahat ng tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang ating caravan.

Higit sa lahat, salamat po sa bawat pamilyang lumapit at naglaan ng oras upang samantalahin ang mga serbisyong inilapit natin sa inyong barangay. โค๏ธ

Patuloy po nating dadalhin ang sa bawat sulok ng ating bayan.

Maraming salamat, Barangay San Francisco! Hanggang sa susunod nating pagkikita. โค๏ธ


๐Ÿ“ข PAUNAWA: PAGBABAGO NG VENUE NG MALASAKIT CARAVANIpinababatid po sa ating mga kababayan na ang gaganaping Malasakit Car...
25/08/2026

๐Ÿ“ข PAUNAWA: PAGBABAGO NG VENUE NG MALASAKIT CARAVAN

Ipinababatid po sa ating mga kababayan na ang gaganaping Malasakit Caravan sa Barangay San Francisco sa August 26, 2026 (Wednesday), 8:00 AM ay inilipat ang venue mula sa Brgy. San Francisco Covered Court patungo sa Barangay Hall, San Francisco.

๐Ÿ“… August 26, 2026 (Wednesday)
๐Ÿ•— 8:00 AM
๐Ÿ“ Barangay Hall, Brgy. San Francisco

Ang pagbabago ng venue ay ginawa upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Sitio Bulacan at upang maging mas maayos at ligtas ang daloy ng mga sasakyan at mga dadalo sa programa.

Ang petsa at oras ay mananatiling pareho. Venue lamang po ang nagbago.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. โค๏ธ๐Ÿ’™

Kita-kita po tayo sa Barangay San Francisco Hall!



Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa sa Blood Donation Drive ng LGU San Antonio โ€“ Rural Health Unit, katuw...
24/08/2026

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa sa Blood Donation Drive ng LGU San Antonio โ€“ Rural Health Unit, katuwang ang Central Luzon Regional Blood Center.

๐Ÿ“… August 25, 2026 | Tuesday
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 2:00 PM
๐Ÿ“ Dr. Jose Lapuz Salonga Gymnasium

Makiisa, magbigay ng dugo, at maging bahagi ng serbisyong may malasakit sa kapwa. ๐Ÿฉธโค๏ธ

Address

San Antonio

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Gege Salonga-Esquivel, MD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share