18/08/2026
MADE IN THE PHILIPPINES WEEK | GAWANG LOOB, GAWANG PDL
Bilang pakikiisa sa Made in the Philippines Week, buong pagmamalaking itinatampok ng San Carlos City District Jail ang mga produktong likha ng ating mga Persons Deprived of Liberty, mga produktong bunga ng kanilang sipag, kasanayan, pagkamalikhain, at determinasyon.
Sa pamumuno ni JCINSP JOAQUIN JUDE G LEDESMA, Acting District Jail Warden, kasama si SJO2 Ralph Ryan Tambiga, Deputy Warden, at sa patnubay ni JO2 Ruel Abadies, Unit Welfare and Development Officer, patuloy na isinusulong ang mga programang pangkabuhayan na naglalayong magbigay ng kasanayan, oportunidad, at pag-asa sa ating mga PDL tungo sa positibong pagbabago at matagumpay na pagbabagong-buhay.
Sa bawat produktong kanilang nililikha, nakapaloob ang isang kuwento ng pagsisikap, pagkatuto, at pag-asa.
Suportahan natin ang Gawang PDL—Gawang Pilipino, Gawang may Pag-asa! 🇵🇭
Para sa mas maraming update, huwag kalimutang i-follow at i-like ang page na ito. Maraming salamat!
BJMPRONIR-SCCDJ-2026-08-09