25/01/2026
Buong buhay ng aming ama na si Douglas D. Soriano, inialay niya ang sarili sa taos-pusong paglilingkod at pagtulong sa kapwa. Sa mga nakaraang araw, muli naming nasaksihan kung gaano siya kamahal at pinahahalagahan ng mga tao.
Sa aming pamilya, mga kaibigan, at sa lahat ng nakiramay at nakiisa sa amin, lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong malasakit, panalangin, at pakikiramay.