City Veterinary Office of San Carlos Pangasinan

City Veterinary Office of San Carlos Pangasinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from City Veterinary Office of San Carlos Pangasinan, Public Service, Slaughter House, San Pedro, San Carlos City.

๐˜ฝ๐™ก๐™ค๐™ค๐™™ ๐˜พ๐™ค๐™ก๐™ก๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™›๐™ค๐™ง ๐˜ผ๐™›๐™ง๐™ž๐™˜๐™–๐™ฃ ๐™Ž๐™ฌ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™๐™š๐™ซ๐™š๐™ง ๐™Ž๐™ช๐™ง๐™ซ๐™š๐™ž๐™ก๐™ก๐™–๐™ฃ๐™˜๐™šNagsagawa ang National Meat Inspection Service RTOC I ng blood coll...
05/08/2026

๐˜ฝ๐™ก๐™ค๐™ค๐™™ ๐˜พ๐™ค๐™ก๐™ก๐™š๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™›๐™ค๐™ง ๐˜ผ๐™›๐™ง๐™ž๐™˜๐™–๐™ฃ ๐™Ž๐™ฌ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™๐™š๐™ซ๐™š๐™ง ๐™Ž๐™ช๐™ง๐™ซ๐™š๐™ž๐™ก๐™ก๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š

Nagsagawa ang National Meat Inspection Service RTOC I ng blood collection para sa African Swine Fever surveillance sa mga baboy na kinakatay sa Slaughterhouse, San Pedro, San Carlos City, Pangasinan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng surprise surveillance program ng NMIS na isinasagawa sa iba't ibang slaughterhouse upang masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng mga hayop at matiyak na ang mga karneng inilalabas sa pamilihan ay ligtas, malinis, at walang sakit.

Batay sa isinagawang laboratory examination, lahat ng blood samples na nakolekta mula sa mga kinatay na baboy ay nagresultang ๐—ก๐—˜๐—š๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ณ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—™๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ. Ipinapakita nito na ang mga hayop na sumailalim sa pagsusuri ay walang indikasyon ng ASF, na nagbibigay ng dagdag na kumpiyansa sa kaligtasan ng karne na inilalabas mula sa Slaughterhouse.

Ang regular na surveillance at laboratory testing ay mahalagang bahagi ng pagpigil sa pagkalat ng ASF at pagpapanatili ng mataas na pamantayan sa meat safety. Patuloy ang pakikipagtulungan ng City Veterinary Office at NMIS sa pagpapatupad ng mga programang nagtitiyak na ang bawat karneng inihahain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino ay dumaan sa mahigpit na inspeksyon at sumusunod sa itinakdang pamantayan ng kaligtasan at kalidad.

Ligtas na karne, ligtas na mamimili. Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating komunidad. ๐Ÿ–๐Ÿฅฉ

๐™๐™ข๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ค ๐™ช๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ, ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™‘๐™š๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š ๐ŸŒง๏ธโ˜€๏ธIsinagawa ang Libreng Anti-Rabies Vaccinatio...
30/07/2026

๐™๐™ข๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ค ๐™ช๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ, ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™‘๐™š๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š ๐ŸŒง๏ธโ˜€๏ธ

Isinagawa ang Libreng Anti-Rabies Vaccination sa ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐“๐ž๐›๐š๐  bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya upang maprotektahan ang ating mga alagang a*o at pusa laban sa rabies.

Ang pagbabakuna ay mahalaga upang:

โœ”๏ธMaprotektahan ang inyong mga alagang hayop laban sa nakamamatay na sakit na rabies.
โœ”๏ธMaiwasan ang pagkalat ng rabies sa ating komunidad.
โœ”๏ธMapanatiling ligtas ang bawat pamilya at mamamayan

๐Ÿ’‰ Hindi nakadalo sa barangay vaccination? Walang problema!
Maaari kayong magtungo sa City Veterinary Office para sa LIBRENG Anti-Rabies Vaccination.

๐Ÿ“ Lokasyon: City Veterinary Office, Slaughterhouse, Brgy. San Pedro, San Carlos City, Pangasinan

๐Ÿ•— Oras: Lunes hanggang Biyernes | 8:00 AM โ€“ 5:00 PM

Sama-sama nating panatilihing rabies free ang San Carlos City. Bakunahan ang inyong mga alagang a*o at pusa! ๐Ÿพ

30/07/2026

Salamat ka ayuda ๐Ÿซก

๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™‹๐™ช๐™จ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™‡๐™ž๐™ซ๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™˜๐™  ๐™๐™–๐™ง๐™ข๐™š๐™ง๐™จ ๐Ÿฎ๐ŸAng City Veterinary Office ng San Carlos City, Pangasinan ay patul...
29/07/2026

๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐™‹๐™ช๐™จ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™‡๐™ž๐™ซ๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™˜๐™  ๐™๐™–๐™ง๐™ข๐™š๐™ง๐™จ ๐Ÿฎ๐Ÿ

Ang City Veterinary Office ng San Carlos City, Pangasinan ay patuloy na naghahatid ng libreng serbisyong beterinaryo para sa ating mga livestock farmers. Isinagawa sa ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐‚๐š๐ฅ๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ฒ๐š๐ง, San Carlos City, Pangasinan ang Hemosep Vaccination, Deworming, at Vitamins Supplementation para sa mga baka at kambing bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng ating mga alagang hayop.

Layunin ng programang ito na mapanatiling malusog at produktibo ang mga alagang hayop na nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga magsasaka. Sa gitna ng pabago-bagong panahon, mahalagang mapalakas ang resistensya ng mga hayop upang maiwasan ang pagkakasakit at mapanatili ang kanilang magandang kondisyon.

Ang mga benepisyo ng Hemosep Vaccination ay kinabibilangan ng:

โœ”๏ธTumulong sa pag iwas sa Hemorrhagic Septicemia (Hemosep), isang mapanganib at maaaring ikamatay na sakit ng mga baka at kalabaw.
โœ”๏ธPinapalakas ang resistensya ng mga hayop laban sa impeksyon.
โœ”๏ธNakababawas sa pagkamatay at pagkalugi ng mga livestock raisers.
โœ”๏ธNakatutulong sa pagpapanatili ng mataas na produksyon at mas magandang kalusugan ng mga alagang hayop.

Samantala, ang deworming ay nakatutulong sa pag-alis ng mga internal parasites upang mas mahusay ang paglaki at pagtaas ng timbang ng mga hayop, habang ang vitamins supplementation ay nagbibigay ng karagdagang lakas at suporta sa kanilang immune system.

Ang City Veterinary Office ay nananatiling katuwang ng ating mga livestock farmers sa pangangalaga ng kalusugan ng kanilang mga alagang hayop, tungo sa mas ligtas, mas produktibo, at mas maunlad na sektor ng paghahayupan sa San Carlos City. ๐Ÿ„๐Ÿ

๐™๐™ข๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ค ๐™ช๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ, ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™‘๐™š๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š ๐ŸŒง๏ธโ˜€๏ธIsinagawa ang Libreng Anti-Rabies Vaccinatio...
29/07/2026

๐™๐™ข๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ค ๐™ช๐™ข๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ, ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™‘๐™š๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™š ๐ŸŒง๏ธโ˜€๏ธ

Isinagawa ang Libreng Anti-Rabies Vaccination sa ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐จ๐ง๐ข๐Ÿ๐š๐œ๐ข๐จ bilang bahagi ng ating patuloy na kampanya upang maprotektahan ang ating mga alagang a*o at pusa laban sa rabies.

Ang pagbabakuna ay mahalaga upang:

โœ”๏ธMaprotektahan ang inyong mga alagang hayop laban sa nakamamatay na sakit na rabies.
โœ”๏ธMaiwasan ang pagkalat ng rabies sa ating komunidad.
โœ”๏ธMapanatiling ligtas ang bawat pamilya at mamamayan

๐Ÿ’‰ Hindi nakadalo sa barangay vaccination? Walang problema!
Maaari kayong magtungo sa City Veterinary Office para sa LIBRENG Anti-Rabies Vaccination.

๐Ÿ“ Lokasyon: City Veterinary Office, Slaughterhouse, Brgy. San Pedro, San Carlos City, Pangasinan

๐Ÿ•— Oras: Lunes hanggang Biyernes | 8:00 AM โ€“ 5:00 PM

Sama-sama nating panatilihing rabies free ang San Carlos City. Bakunahan ang inyong mga alagang a*o at pusa! ๐Ÿพ

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ, ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐Ÿ‚๐ŸŒพSa patuloy na pagsusulong ng mas maunlad na sektor ng agrikult...
28/07/2026

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ, ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐Ÿ‚๐ŸŒพ

Sa patuloy na pagsusulong ng mas maunlad na sektor ng agrikultura matagumpay na namahagi ang City Veterinary Office of San Carlos City, Pangasinan, sa pangunguna ni Dr. Solomon T. Gabuyan ng apat na breeding bulls.

Ang programang ito ay karugtong ng naunang pamamahagi ng dalawampu't tatlong babaeng baka noong nakaraang taon. Layunin nitong mapahusay ang lahi ng mga baka, mapalakas ang food security, mapataas ang produksyon ng hayop, at makapagbigay ng karagdagang kabuhayan sa ating mga magsasaka.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno nina City Mayor Hon. Julier "Ayoy" C. Resuello at Vice Mayor Hon. Joseres "Bogs" S. Resuello, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa ating mga livestock raisers at sa buong komunidad.

Mas matatag na lahi, mas masaganang ani, at mas maunlad na kabuhayan para sa ating mga San Carleรฑians!

๐Ÿ“ข LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION ๐Ÿถ๐ŸฑMas pinaigting ng City Veterinary Office ng San Carlos, Pangasinan ang libreng pagba...
27/07/2026

๐Ÿ“ข LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION ๐Ÿถ๐Ÿฑ

Mas pinaigting ng City Veterinary Office ng San Carlos, Pangasinan ang libreng pagbabakuna kontra Rabies para sa mga alagang a*o at pusa.
Narito ang mga barangay na kanilang pupuntahan.

Ihanda po ang inyong mga alagang a*o at pusa upang sila ay mabakunahan at mapanatiling ligtas ang ating komunidad at ang ating pamilya laban sa Rabies.

Sabay-sabay nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga alaga at ng buong komunidad. San Carlos Maunlad at Maayos!

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก!Isinagawa ng City Veterinary Off...
23/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—˜ ๐—ฃ๐—ข๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—ฅ๐—ฌ ๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก!

Isinagawa ng City Veterinary Office ng San Carlos City ang ๐™๐™ง๐™š๐™š ๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™š ๐˜พ๐™๐™ž๐™˜๐™ ๐™š๐™ฃ ๐™Ž๐™š๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ง na dinaluhan ng humigit kumulang 211 poultry raisers mula sa iba't ibang barangay ng lungsod.

Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng ating mga magmamanok sa tamang pag aalaga, tamang pagpapakain, biosecurity, at wastong pagaalaga ng free range na manok upang mapataas ang produksyon at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga alagang manok.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na isinusulong ng ating tanggapan ang food security, pagpapalakas ng lokal na produksyon ng pagkain, at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan para sa ating mga kababayan sa San Carlos City.

Maraming salamat sa lahat ng poultry raisers na nakiisa at patuloy na nakikipagtulungan sa ating mga programa. Sama-sama nating palaguin ang industriya ng manukan at bumuo ng isang mas ligtas, masagana, at matatag na San Carlos City.

15/07/2026

Address

Slaughter House, San Pedro
San Carlos City
2420

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Veterinary Office of San Carlos Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Veterinary Office of San Carlos Pangasinan:

Shortcuts

Share

Category