25/08/2026
๐ข PANAWAGAN PARA SA PAGPAPAKITA NG KATAPATAN ๐ข
Isang mahalagang paalala at panawagan po mula sa ating SK Barangay Quintong. Ang pagiging honest ay napakahalaga sa ating komunidad.
May isa po tayong kabarangayโang asawa ni Ms. Marina Baldilomar mula sa Purok 4โna nawalan ng halagang 700 pesos. Ayon sa impormasyon, nahulog po ito mula sa kanyang bulsa habang nagda-drive papuntang kanto ng Brgy. Quintong para mamili. Sa tingin man ng iba ay maliit na halaga ito, ngunit para sa kanila ay napakalaking tulong na ito para sa kanilang pangaraw-araw na kabuhayan.
๐ Lugar na posibleng nawala: Mula Purok 4 hanggang Purok 1
โฐ Tantyang Oras: 7:30 PM hanggang 8:00 PM ngayong araw (August 25)
Nawa po ay manaig ang katapatan ng bawat isa sa atin. Kung sino man po ang nakapulot at may mabuting pusong nais itong ibalik, maaari po kayong mag-mensahe direkta sa ating SK page.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pagmamalasakit sa kapwa!