01/10/2024
Tayo ay naghahanda na para sa ating Ikalawang Barangay Assembly sa October 26, 2024, Sabado.
Tayong muli ay sama-samang alamin ang estado ng ating Bagong Guelew! ❤️💪🏻
TINGAN | PAGSASAGAWA NG BARANGAY ASSEMBLY PARA SA IKALAWANG SEMESTRE NG CY 2024
Karapatan ng bawat Juan at Juana na malaman ang mga nakalaang programa, mga plano at ulat pananalapi ng bawat barangay.
Kaya sa pamamagitan ng Barangay Assembly na gaganapin sa alinman sa Sabado o Linggo ngayong Oktubre 2024 ay makilahok, makinig at makipagtalakayan sa mga opisyal ng Barangay.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagsasagawa ng Barangay Assembly para sa ikalawang semestre ng 2024, basahin ang Memorandum Circular 2024-136 sa link na ito: https://shorturl.at/aiVed