Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP

Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP Office of the Sangguniang Kabataan ng Brgy. Magtaking, San Carlos City, Pangasinan

We want to hear from you!😲Mga Kabataan, inaanyayahan namin kayong lahat na makibahagi sa SK EVENT SURVEY! ☺️🙆🏻‍♀️ I-reac...
09/07/2026

We want to hear from you!😲

Mga Kabataan, inaanyayahan namin kayong lahat na makibahagi sa SK EVENT SURVEY! ☺️🙆🏻‍♀️ I-react lamang ang emoji ng event na nais ninyong bigyang prayoridad sa aming pagplaplano.

Tara na !! 📚✏️
05/06/2026

Tara na !! 📚✏️

05/06/2026

Attention!
See you at 1:00 PM for school supplies distribution.

📢 OFFICIAL BENEFICIARIES OF SCHOOL SUPPLIES(Junior High School & Senior High School)Congratulations to all our beneficia...
04/06/2026

📢 OFFICIAL BENEFICIARIES OF SCHOOL SUPPLIES

(Junior High School & Senior High School)

Congratulations to all our beneficiaries! 🎒📚 Your dedication and hard work continue to inspire us. We are happy to support you in your academic journey.

📍 Distribution Details:
🗓 June 5, 2026
⏰ 2:00 PM
📌 Magtaking Gymnasium

📌 Reminder:
Please bring any proof that you are a student (School ID or any valid proof).

⚠️ For those listed as un-official (due to identity), please message us your true name or comment down below for verification.

See you there! 💙✨

Here’s the official list for our Junior High School students! See you!
03/06/2026

Here’s the official list for our Junior High School students! See you!

Congrats ALS learners from Magtaking ES Batch 2025 for passing the Elementary and Junior High School Accreditation and E...
03/06/2026

Congrats ALS learners from Magtaking ES Batch 2025 for passing the Elementary and Junior High School Accreditation and Equivalency ( A and E) Test held last March 29, 2026 .

Senior High School slots are now officially full. Thank you! 💙
03/06/2026

Senior High School slots are now officially full. Thank you! 💙

📚🎒 BALIK eSKWELA 2026 🎒📚Handog ng SK Magtaking ang School Supplies Distribution Program para masuportahan ang ating mga ...
03/06/2026

📚🎒 BALIK eSKWELA 2026 🎒📚

Handog ng SK Magtaking ang School Supplies Distribution Program para masuportahan ang ating mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela!

📌 70 Junior High School Students❤️ React Heart sa post na ito upang makapagparehistro.

📌 30 Senior High School Students👍 Like React sa post na ito upang makapagparehistro.

🎁 Mga school supplies na maaaring matanggap:✔️ Notebooks / Binder Notebook✔️ Ballpen✔️ Whole Pad Paper / Yellow Pad✔️ Umbrella✔️ Correction Tape✔️ Bag✔️ Ruler Set

🎓 Para naman sa ating mga College Students, maghintay lamang sa nalalapit na Scholarship Grant Program ng SK Magtaking. Abangan ang opisyal na anunsyo para sa qualification, requirements, at schedule ng aplikasyon.

📅 Distribution Day: Friday, June 5, 2026📍 Venue: Magtaking Gymnasium⏰ Time: To Be Announced

Patuloy ang SK Magtaking sa pagsuporta sa edukasyon at pangarap ng bawat kabataan. Sama-sama nating ihanda ang mas maliwanag na kinabukasan!

✨ School supplies ngayon, scholarship bukas — SK Magtaking, kaagapay sa bawat pangarap!

11/04/2026

Dahil sa epekto ng patuloy na tensyon sa pagitan ng mga rehiyon at bilang pagtalima sa umiiral na pambansang kautusan, ang Lokal na Pamahalaan ay may ipapabatid na pagbabago sa kinaugaliang pagdiriwang ng city fiesta ngayong taon at mga direktiba kaugnay ng mga programa at kapistahan sa ating mga barangay bilang bahagi ng ating pagsusumikap na maibsan ang sitwasyon at bigyang prayoridad ang mga inisyatibong makakapagpabuti sa kalagayan ng bawat isa.

MANGO BAMBOO FESTIVAL 2026; Mula sa orihinal na nakaplanong dalawampu’t dalawang programa, ay anim na lamang ang matutuloy sa mga ito. Kabilang na diyan ang

1. Ms. San Carlos City 2026
2. Opening Parade and Mangga-wayan Streetdancing
3. Mass Wedding
4. Agew na Kalangwaran
5. Bamboohan ed Baley 2026
6. Grand Ball and Coronation Night.

Ang pagkansela sa labing anim na programa ng Mango Bamboo Festival 2026 ay pagtalima sa direktiba ng Malacañang upang makatipid ang gobyerno sa enerhiya na naglalayong makabawas ng nasa 70% sa kabuuang konsumo sa kuryente at korudo kumpara kung ito ay itutuloy. Nais din gawin ng Lokal na Pamahalaan na mas maging makabuluhan ang kanselasyong ito sa pamamagitan ng pagawa ng mga programang tatalima sa pangangailangan ng ating siyudad bilang paghahanda sa nagbabadyang mas matinding hinaharap ng ating bansa.

Sa kabila ng ilang pagbabago, nananatili pa rin ang ating hangaring bigyang-halaga ang diwa ng mga tradisyong ito. Kung kaya’t ang mga piling aktibidad na parte na ng ating tradisyon at mga aktibidad na nangangailangan sa pagtupad sa mga legal na pananagutan na nakapaloob sa ilang mga kasunduang nilakdaan ng Lokal na Pamahalaan bago pa man din ang deklarasyon ng “State of National Energy Emergency”, Executive Order No. 110, s. 2026. ay itutuloy.

Postponement of Barangay-Sancationed Non-Essential and Extravagant Events; Nakasaad din sa inilabas na utos ng Lokal na Pamahalaan ang pansamantalang pag postpone sa mga programa sa barangay kabilang na ang mga magarbong selebrasyon ng piyesta, mga liga (basketball, volleyball atbp.) at iba pang mga non-essential programs upang makatipid din ang mga barangay sa enerhiya, kurudo at pondo. Ang direktibang ito sa mga barangay ay pansamantala lamang at maaring mabago base sa sitwasyon natin sa pagdaan ng mga buwan sa pamamagitan ng pahintulot ng LGU o pagkansela ng utos na ito.

Para naman sa Lokal na Pamahalaan, ang REDUCED FIESTA na magaganap hanggang Abril 18 marahil ang huling malakihang progama na gaganapin para taong ito at lubos na tutuon sa ibang mga programang makakatulong para sa ating mga kababayan.

Hinihingi namin ang pang-unawa, suporta at pakikiisa ng mga minamahal naming mga kababayan sa pagkakataong ito. Bilang iisang komunidad tayo’y magkaisa at magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa at sa kapayapaang ninanais ng buong mundo.

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong magtulungan at magkaisa para sa mapayapa at maayos na bukas.

Address

San Carlos City
2420

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP:

Shortcuts

Share