Tula Ng Mga Makata

Tula Ng Mga Makata Alay namin ang mga piyesang ito para sa inyo.

26/02/2021

ー ayos ka lang ba talaga? O pinipili mo lang itanggi na nasasaktan ka?

05/01/2021

MOBILE LEGENDS

Likha nina: Rolan omar Taaca at Gleena Marie ✍️

Larong pera ang pinag uusapan,
Kung saan load ay kailangan,
Pinaggugugulan ng oras ng mga kabataan.

Mobile legend kung ito'y tawagin,
Bata't Matanda'y nakiki uso narin,
Makikita saang sulok ka man tumingin.

Yung tipong pag gising sa umaga,
Cellphone na agad ang kinukuha,
Mag uumpisa mag laro't oras di alintana.

Almusal, tanghalian di na nila ginagawa,
Gutom ay di na nila nadadama,
Pati pag linis sa sarili'y nakakalimutan na nila.

Hingi dito, hingi doon ng pera,
Pang load na singkwenta o higit pa,
Para makipagsabayan sa laro ng barkada.

Isa rin ako sa sumubok nito,
Mga kaibigan ang kasama ko,
Ngunit aking napagtanto na may masama pala itong epekto.

Bawat sobra ay masama,
Bawat kulang ay di maganda,
Dapat sakto lamang ang lagi mong ginagawa.

Normal lang naman ang paglalaro,
Basta alam mo lang ang limitasyon mo,
Kung ito ba'y may maganda o masamang dulot sa buhay mo.

Naisip ko na ang pag-ibig ay parang Mobile legend na laro,
Yung buong oras at buhay ay ibubuhus mo,
Ngunit sa huli sakit pala ang dulot nito.


29/12/2020

"HIGIT SA AKIN"

✍️ Mike Laurence Dolera

Sa tuwing sasagi ka sa isipan ko, sinta,
Ako'y napapangiti ng sobra,
Minsan inaalala ko,
Ang mga panahong masaya pa tayo,
Ang mga panahong puno ng tawanan,
Ang mga panahong puno ng kalokohan,
Ang mga panahong tayo'y nagmamahalan,
Ang mga panahong may ikaw at ako.

Ngunit nagbago na ang panahon,
ang ikaw at ako ay ala-ala na lamang at tanggap ko na hanggang doon na lang ang lahat at malabo ng bumalik ka pa sa tabi ko,
Sinubukan tayo ng tadhana at naging mahirap ang lahat para sa ating dalawa pero hindi mo 'to kinaya at ika'y lumisan na habang ako,
Andito mag isa dala-dala ang lahat ng ating kahapon.

Sa mga panahong kailangan mo ako sa tabi mo ay lagi akong ando'n para sa'yo pero no'ng ikaw naman ang kailangan ko ay bigla kang nawala at napunta sa iba,
Ikaw ay napagod na sa mga problema at away nating dalawa,
Hanggang sa nakahanap ka ng taong alam mo na mas higit sa akin at mas kaya kang pasayahin tinapon mo ang lahat na parang wala lang sayo ang pinag samahan nating dalawa.

Nung sinabi mo sakin na ikaw ay pagod na,
Alam kong yun na ang huling beses na makakausap kita,
At yun narin ang araw na sinabi mo sa'kin na meron ka ng iba.

Sinampal mo sakin kung gaano sya ka higit sakin at kung ano ang pinag kaiba namin at sa kaloob looban ko hinihiling ko na sana hindi mo nalang yun binanggit dahil sobrang sakit ang nadama ko,
Alam kong talo na ako,
Alam kong hindi na ako sapat sa'yo,
Alam kong nagkulang ako,
Alam kong nag kamali ako,
At alam kong hindi na ako mahal mo.

Ano bang laban ko sa taong mas higit sakin at sa taong kayang higitan ang lahat ng ginawa ko para sayo dahil kung hindi pa sapat ang aking mga nagawa wala na akong ibang mabibigay pa,
Minahal kita ng sobra at hindi kita iniwan sa mga panahong ikaw ang puno ng problema,
Mas inisip ko ang pagmamahal ko sayo kaysa mag hanap ako ng iba.

Sana maisip mo na andun ako sa panahong wala kang makakasama at hindi kita iniwan mag isa pero kahit ano pang gawin ko alam kong hindi ka na babalik pa,
Masakit mang isipin na habang pinapakilig ka ng iba 'eto ako lumalaban at umiiyak nang mag isa.


27/12/2020

"SANA'Y DI NA LANG"

✍️ Binibining Cy at Ginoong JKevin Writes

Ako'y nagluluksa ngayong sa piling ko'y ikaw ay biglaan na lang nawala,
Tila puso ko'y nadudurug na ng sobra,
At mundo'y niyayanig na at sirang-sira na,
Dahil ako'y walang kalaban-labang iyong iniiwanan.

Anong pagkakamali ng tulad ko'y iniwanan mo na na isang sawi,
Na sa sobrang sakit di ko na alam sino ang pagsasabihan sa sakit na nararamdaman ng pusong humihikbi,
Na gusto kong isigaw na kaya pa kitang ilaban at hindi kita susukuan,
Dahil gusto na patunayan na ang salitang IKAW at AKO ay di magkakaroon ng HANGGANAN.

Sana'y no'ng una palang, trinato nalang kitang Kaibigan,
Sana'y di nalang ako naniwala sa iyong mga pangakong binitiwan,
Edi sana'y 'di ako naging luhaan sa ginawa mong kasalanan,
Kasalanan na kahit kailan hinding-hinding makakalimutan.

Sana'y hindi na lang kita nakilala ngayong puso ko'y sasaktan mo lang din naman pala ng sobra,
Sanay hindi nalang nagtiwala sayo dahil katulad ka rin pala nila,
Na di marunong tumupad sa mga binibitawang salita,
Na di kayang suklian ang pagmamahal na binubuwis para lang ilaban ka.

Nawa'y magiging masaya ka sa iyong ginawang kamalian,
Kamalian na pwede mong pag sisihan,
Hindi pa sa ngayon kundi balang araw,
Kasi sinaktan mo ko nang lubosan.

Ito lang masasabi ko sa iyo, aking mahal,
"Mahal, minahal kita ng walang pagkukulang, ang pagmamahal ko sa'yo ay hindi mo makikita ni sinoman",
Mahal, labis ko talagang pinagsisihan na ika'y aking minahal,
Napaisip ko talaga ang salitang "SANA'Y DI NA LANG".


27/12/2020

“PAUBAYA”

✍️ Jiemmuel Baylosis at Binibining Manunulat

-
Simulan natin ang tulang ito kung saan tayo'y masaya,
'Yung para bang walang humpay ang nadaramang ligaya,
'Yung dating ikaw lang at ako sa ating munting paraiso,
Kung saan payapa na lugar at kung sa'n walang iistorbo.
-
Masaya naman tayong dalawa dati,
Magkasama sa ligaya't pighati,
Kahit tayo'y magkalayo,
Ay pinipilit pa rin na magkatagpo.
-
Ngunit nag iba ang ihip ng hangin,
Nabaling sa iba ang iyong pagtingin,
Bihira mo na akong pansinin,
Dahil sa dalagang mas maganda pa sa'kin.
-
Hanggang sa nanlamig ka na nga,
Hindi na interesado pa,
Hindi ko na ramdam 'yung dating pagmamahal,
Pansin ko ang mga pagbabago mo, mahal.
-
Kita ko ang saya sa'yong mga mata,
At kita ko rin na hindi ako ang dahilan nito, sinta,
Masaya ka ba sa kanya?
Mahal mo na ba siya?
-
Nais kong sa'yo mismo marinig,
Kung siya na ba ngayon ang pintig,
Dahil kung oo, sinta?
Masakit man pero ipapaubaya kita.
-


27/12/2020

"KAPAG HINDI NA AKO"

✍️ Judy Onecra At Cherry Rose Pateño

Iba na ang iyong pakitungo
Parang hindi na ako ang laman ng iyong puso
Kapag kasama kita di ko na dama ang iyong saya
At ako'y lagi mong dinededma.

"Ano bang ginawa ko?"
"Bakit ako'y dinurog mo?"
Mahal kita kahit pinili mo siya
Mahal kita habang mahal mo'y iba.

Titiisin ko lahat ng sakit
Kahit ito'y sobrang pait
Makita ka lang na masaya sa kanya
Para sa akin ay okay na.

Nagpapasalamat ako sa mga ala-ala na iyong binigay
nakatatak sa puso't isipan kahit kailan di mawawalay
Kung hindi na talaga ako ang mas better sayo
Sana'y kanyang punan lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko.

Alagaan ka sana niya ng mabuti
Gaya ng pag-aalaga ko sa'yo dati
Handa ako magpaubaya
Kung sa kanya ka talaga sasaya.

KAPAG HINDI NA AKO
Sabihin mo lang, mahal ko
Dahil ako na tong lalayo
Kahit luha ko pa'y tumulo.


27/12/2020

"PANGARAP LANG KITA"

✍️Lucy Arceo Ecoy & Cablas

Marami akong pangarap na gustong matupad,
Mga pangarap na walang katulad,
Isa na riyan ang maging akin ka ngunit hindi alam kung may pag-asa ,
Sapagkat maraming bumabalakid sa'ting dalawa.

Simula palang noong una,
Pinapangarap na kita,
Na gusto kong makuha,
At maaangkin pa.

Hanggang nagpatuloy panga,
Kinikilala ka pa ng masmalaliman pa,
At tinuring pa kitang aking prinsesa,
Na gustong gusto at nais makasama sa twina,

Gabi't mapaaraw, ikaw palaging laman ng isipan,
Hindi ko mawari kung ano ang siyang dahilan,
Tila sayo ata ako'y tinamaan ng lubusan,
Gusto kitang makasama hanggang magpakailanman.

Nakaka-akit mong ngiti ang siyang gustong masilayan,
Kapag naririnig ang iyong tawa para akong nasa kalawakan,
Dalangin ko'y makasama ka sa habangbuhay,
Gusto kong ipaabot sa iyo at ng iyong malaman na sa akin ika'y mahal ng tunay.

Ngunit alam kong hanggang dito nalamang ang lahat,
Tila isipan ko'y sobra-sobra na kung ito'y mangangarap,
Dahil alam ko sa sarili ko na ang lahat ng aking gusto ay di na matutupad,
At itoy mapapako nalamang at mananatili ang lahat sa isa na lamang pangarap.


26/12/2020

"IKAW PA RIN"

✍️ Monica Frias at Wenna Rose Superales

Sa paglipas ng panahon
Ang pag-ibig ko sayo ay mananatiling nakabaon
Na hindi kailanman mabubura humaba man ang panahon
Mananatiling ikaw kahit sa iba na ang atensyon na dapat sa akin ay nakatuon

Kapag ang lahat ng pinagsamahan ay naaalala , lungkot ang palagi kong nadarama
Pagluha ng mata ang natatamasa dahil sa katanungang "Mahal bakit hindi na lang ako?"
Bakit ikaw pa rin kahit hindi naman ako ang gusto mo?
Na sana mahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sayo

Paulit ulit na akong nasasaktan
Paulit ulit ng nagiging luhaan
Di ka pa rin maalis sa aking isipan
Mahal ako na lang, tayo na lang kasi ikaw pa rin naman

Pangakong di ko sasayangin ang pagkakataon kung ang tayo'y pagbibigyan
Hindi kita iiwan at kamay moy hahawakan
Maglalakbay tayong dalawa patungo sa kawalan
Sabay tayong titingala sa kalangitan at ngingiti na parang hindi nasasaktan

Pero teka! Mali! Mali pala ang aking ginagawa
Dahil mali na ako at magmakaawa sa taong mismong nambalewala
Mamahalin na lang kita kahit nasa iba ka na

Ikaw pa rin kahit di na ako
Ikaw pa rin kahit iba ang kamay na hawak hawak mo
Ayos ba ako dahil wala ng mananakit pa
Ikaw pa rin pero tama na, paalam na sa ating dalawa.


26/12/2020

"MAY MAHAL KA NANG IBA"

✍️ John Marion Gador Cordova at Sheryl Alolino Cando

Salitang ikakasakit ko
Puso't isip ko'y litong-lito
Kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko
Sa tuwing siya ang kasama mo.

Mahal kita ngunit mahal mo siya
Ginawa kong lahat pero para sayo ay walang importansya
Ang nais ko lang naman ay maging masaya ka
Pero wala eh masaya kana pala sa iba.

May mahal kanang iba
Kaya di na ako mahalaga
Na kahit minahal kita ng subra-subra
Ipinagpalit mo parin ako sa kanya

Mahal kita pero siguro sa ngayon tama na
Tama na! Kasi nasaktan na ako ng sobra
Tama na! kasi dika naman mapapasakin tulad niya
Tama na! kasi alam kong nasa piling kana ng iba.

Para sa bago mo
Sana mahalin ka niya gaya ng pagmamahal ko sayo
Kahit di na ako
Sana'y maaalala mo parin ako.

At ang relasyon nating nasira
Ay isa na lamang alaala
Ang mga pangakong binitawan nating dalawa ay di na matutupad pa
Kasi nga may mahal kanang iba.


25/12/2020

"PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA"

✍️ Rhea Lascota at Rolan Omar Taaca

-
Simula noong una pa lamang kitang makita,
Ako'y napamahal na nang sobra,
Ika'y nilapitan ko't sarili'y ipinakilala
Kaya sa pagkakaibigan doon na nagsimula
-
Ako'y lumigaya't naging masaya,
Noong tayo'y di inaasahang makakilala,
Ikot ng aking mundo'y nag bago't nag iba,
Kung ikaw lang saki'y sapat na,
-
Mga araw na ay lilipas- ako'y di makapaniwala
Tayo'y naging mas malapit pa sa isa't-isa
Bawat binabanat mong biro, kilig ang nadarama
Kaya di ko inaasahan na ako'y mapapamahal Ng sobra
-
Di kalauna'y nahulog ang loob ko sayo,
Nagpasyang ito'y wag sasabihin sayo,
Kaya't ito'y aking inilihim at itinago,
Sa aking humahangang puso.
-
Di kalauna'y ako'y umamin saking nararamdaman,
Kahit alam kong walang kasiguraduhan,
Kung ako ba'y iyo ring maguguatuhan,
O ako'y iyong iiwan at tatalikuran
-
Kaya ako'y naglakas loob na umamin na
Ni hindi ko Alam kung may kasiguraduhan ba
Kung ako'y mahal mo rin ba?
O hanggang kaibigan lang talaga
-
Ikaw nga'y biglang tumawa pero may lungkot sa iyong mukha
Gumising ka sa katotohanang tayo'y magkaibigan sa simula't simula pa
Sadya ngang "TAYO'Y PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA"
Masakit man ngunit kailangan tanggapin na tayo'y di naitakda sa isa't-isa.
-
Siguro nga'y ito ang papel ko sa buhay mo talaga,
Na hanggang aasa lang sa isang katulad mong di-kita, aking halaga,
Ngunit sa piling mo'y kailan ma'y di ako mawawala
Masaya ako kahit kaibigan mo lang aking sinisinta,
Mahirap man tanggapin ngunit "Tayo'y pinagtagpo pero di tinadhana na nga talaga."
-


25/12/2020

"MGA ALAALA"

✍️ Gleena Marie at Akie Cuares

-
Mahal naalala mo pa ba yung gabing nakaunan ka sa braso ko?
Niyayakap mo ako kapag nilalamig ako,
Ang halik mo sa labi, pisngi at noo ko,
Masarap mong luto kapag kakain na tayo.
-
Naalala mo pa? kung paano kita suyuin tuwing tinutuyo kana?
Hindi nga kita makausap diba? kaya sumulat ako sa papel at ididikit ko sa pader,
Nakasulat do'n na mahal na mahal kita kahit tuyuin ka.
-
At lalapit ka sa akin sabay yakap ng mahigpit,
Lalambingin mo ako at mangungulit ka ulit,
Mang iiwan ka ng matamis na salita,
"HINDING HINDI KA IPAGPAPALIT"
Eto naman ako kinikilig sa banat mong malupit.
-
Isang tawag ang aking natanggap,
Mula sa iyong mama,
At naiyak ako ng sabihin ika'y naaksidente,
Nabangga ng isang pulang kotse.
-
Tila ako ay naguluhan ang saya pa natin noong nakaraan,
Tapos ito ang aking mababalitaan?
Para akong kandila na unti unting natutunaw,
Ang aking piniling pakasalan ay agad na pumanaw,
Hagulgol at aking sigaw ay umaalingawngaw.
-
Dali dali kitang pinuntahan,
At bumungad sa akin ang nga taong nag iiyakan,
Nakita ko ang iyong kumot,
Kaya ako ay biglang nangilabot.
-
Napaluhod ako sa iyong harapan,
Nanginginig aking buong kalamnan,
Hindi ko agad maisip na agad agad mo akong iniwan,
Ba't sa gantong paraan?
-
Malamig na hangin tila'y may yumakap sa akin,
Sinambit ko na lang na baka ito na ang ating kapalaran,
Mga alaala nating dalawa.
-


Address

San Carlos City

Telephone

+639385627940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tula Ng Mga Makata posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category