26/07/2026
WEEK 30 CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY BALLOC
Nagkaisa na naman ang mga opisyal, kawani, at mga mamamayan ng Barangay Balloc sa pagsasagawa ng Week 30 Clean-Up Drive bilang bahagi ng ating patuloy na adhikain na mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating komunidad.
Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis ng mga kalsada, kanal, at iba pang pampublikong lugar, naipapakita natin ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa ating kapaligiran.