Barangay Poblacion Norte- KP DESK

Barangay Poblacion Norte- KP DESK Bringing justice closer to the people.

The Katarungang Pambarangay of Barangay POBLACION NORTE works hand-in-hand with residents to peacefully resolve disputes and uphold fairness in our community.

https://www.facebook.com/share/p/17QcXuRXYj/
29/01/2026

https://www.facebook.com/share/p/17QcXuRXYj/

πŸ’‘ πˆππ€ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ€π˜ π€π‹π€πŒ | πŠπ€π“π€π‘π”ππ†π€ππ† ππ€πŒππ€π‘π€ππ†π€π˜

Ang barangay ang nagsisilbing unang takbuhan sa pag-aayos ng ilang uri ng alitan sa komunidad. Alinsunod sa batas, may itinatag na proseso upang bigyang-daan ang mapayapa at maayos na pagkakasundo ng mga panig. Ang prosesong ito ay isinasagawa sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, na nakapaloob sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991.

𝟏. ππ€π†π’π€πŒππ€ 𝐍𝐆 π‘π„πŠπ‹π€πŒπŽ. Ang sinumang may reklamo laban sa kapwa niya indibidwal, kung sakop ng Katarungang Pambarangay, ay maaaring maghain ng reklamoβ€”pasalita o pasulatβ€”sa Punong Barangay, bilang Tagapangulo ng Lupon ng Tagapamayapa.

𝟐. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ„πƒπˆπ€π“πˆπŽπ. Sa loob ng susunod na araw ng trabaho mula nang matanggap ang reklamo, ipapatawag ng Punong Barangay ang nagrereklamo at inirereklamo, kasama ang kanilang mga saksi, para sa pagkakasundo o mediation.

πŸ‘. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐆 ππ€ππ†πŠπ€π“. Kung hindi magtagumpay ang pagkakasundo sa loob ng 15 araw mula sa unang pagharap ng mga panig, magtatakda ang Punong Barangay ng petsa para sa pagbuo ng Pangkat ng Tagapagsundo.

πŸ’. ππ€π†πƒπˆππˆπ† 𝐍𝐆 ππ€ππ†πŠπ€π“ 𝐍𝐆 π“π€π†π€ππ€π†π’π”ππƒπŽ. Ang Pangkat ay magpupulong sa loob ng 3 araw mula sa pagkakabuo nito upang pakinggan ang magkabilang panig at ang kanilang mga saksi, at hanapan ng paraan ang maayos na pagkakasundo.

πŸ“. ππ€ππ€π‡πŽπ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 ππ€π†πŠπ€πŠπ€π’π”ππƒπŽ. Binibigyan ang Pangkat ng 15 araw mula sa unang pagdinig upang magkasundo ang magkabilang panig. Kung kinakailangan, maaari itong dagdagan ng hanggang 15 araw kung may sapat na dahilan upang pahabain ang pagdinig.

πŸ”. π€πŒπˆπ‚π€ππ‹π„ π’π„π“π“π‹π„πŒπ„ππ“. Ang lahat ng amicable settlement ay dapat nakasulat, gamit ang wikang nauunawaan ng mga panig, nilagdaan ng mga ito, at pinagtibay ng Punong Barangay o ng Tagapangulo ng Pangkat ng Tagapagsundo, kung alin ang naaangkop.

Sama-sama nating itataguyod ang mapayapang pag-aayos ng alitan sa barangay, bilang hakbang tungo sa mas matatag at nagkakaisang komunidad.


28/01/2026
https://www.facebook.com/share/p/1KJ2K1QZBG/
13/11/2025

https://www.facebook.com/share/p/1KJ2K1QZBG/

TINGNAN | Paano Maghain ng Reklamo sa Lupong Tagapamayapa?

β€’ Ang proseso ng paghahain ng reklamo sa Lupon, na tinatawag ding Katarungang Pambarangay, ay idinisenyo upang maging mabilis, simple, at walang bayad.

🏘 Para sa maghahain ng reklamo, pumunta sa Tanggapan ng Punong Barangay o ng Lupong Tagapamayapa.

πŸ“„ Magsumite ng nakasulat na reklamo (Written Complaint) sa Punong Barangay o magsulat ng reklamo sa angkop na Katarungang Pambarangay Form na naglalaman ng pangalan at tirahan ng nagrereklamo at inirereklamo, ang detalye ng alitan, at anumang sumusuportang ebidensya (supporting evidence).

🀝 Sa sandaling matanggap ang reklamo, sisimulan ng Punong Barangay ang proseso ng pag-aayos upang magkasundo, at kung hindi ito magtagumpay, bubuuin ang Pangkat ng Tagapagkasundo (Pangkat), na kinabibilangan ng tatlong katao mula sa lupon, para sa pakikipagkasundo o pag-aayos o arbitrasyon (conciliation/arbitration).

28/08/2025

π‚π˜ππ„π‘π’π„π‚π”π‘πˆπ“π˜ π“πˆππ’ π…πŽπ‘ π‚π‘π˜ππ“πŽ 𝐀𝐍𝐃 πŽππ‹πˆππ„ π“π‘π€πƒπˆππ†:
Protect and never share your seed phrase.



28/08/2025

π‚π˜ππ„π‘π’π„π‚π”π‘πˆπ“π˜ π“πˆππ’ π…πŽπ‘ π‚π‘π˜ππ“πŽ 𝐀𝐍𝐃 πŽππ‹πˆππ„ π“π‘π€πƒπˆππ†:
Avoid Public WI-FI.



Address

Provincial Road Poblacion Norte
San Clemente
2305

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Poblacion Norte- KP DESK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share