06/09/2023
LINGGO NG KABATAAN NIGHT AND AWARDING NIGHT
September 02,2023
Apat na bagyo man ang nagsanib puwersa upang ulanin ng malakas ang ating selebrasyon, ngunit isang barangay naman ang nagpakita ng pagkakaisa na may kaakibat na ngiting dala. Tuna'y ngang napakabuti ng Panginoon at inulan tayo ng mga biyaya.
Kaming mga Sangguniang Kabataan - Barangay Binday ay nais pasalamatan ang lahat ng taong nasa likod ng aktibidad na ito na siyang tumulong upang maging matagumpay ang ating selebrasyon. Sa ating Brgy. Officials na pinangungunahan ng ating butihing Punong Barangay Reynaldo F. Monses, RV's catering sa pagpapaganda ng ating venue, RDR Lights and Sounds sa isang magandang tugtugin, Sir Junie Distor sa pangmalakasan emcee, sa lahat ng mga magulang na isinali ang kanilang mga naggagandahang chikiting sa ating Mini Miss U, at lalong lalo na sa mga kabataan na naglaan ng oras at pakikiisa sa mga aktibidad na ginanap sa ating isang linggong selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2023. Kayo nga'y isang tunay na ihemplo at pag-asa ng ating bayan.
Agyaman kami apo at Mabuhay Barangay Binday!