Kap Jong Regatcho

Kap Jong Regatcho ๐—›๐—ผ๐—ป. ๐—๐—ผ๐—ท๐—ผ ๐—ฉ. ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต๐—ผ
Punong Barangay
Brgy. Cayanga San Fabian, Pangasinan

"๐—ž๐—ฎ๐—ฝ ๐—๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต๐—ผ"
Hangad po natin ang isang tapat na serbisyo

01/05/2026
๐Ÿ“ขANUNSYO SA BARANGAY๐Ÿ“ขBilang pagtalima sa utos ng ating DILG Secretary Jonvic Remulla, ang ating barangay ay maghihigpit ...
07/04/2026

๐Ÿ“ขANUNSYO SA BARANGAY๐Ÿ“ข

Bilang pagtalima sa utos ng ating DILG Secretary Jonvic Remulla, ang ating barangay ay maghihigpit na sa ipagpapatupad para sa katahimikan at disiplina ng ating Barangay.

๐Ÿšซ MGA MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL:

โŒBAWAL ANG PAG-INOM SA KALSADA at sa iba pang pampublikong lugar.

โŒBAWAL ANG VIDEOKE LAMPAS 10:00 PM.

โŒBAWAL ANG PAG-GALA NANG WALANG DAMIT PANG-ITAAS

โš ๏ธ PAALALA: Ang hindi pagsunod ay maaaring magresulta sa kaukulang multa o parusa ayon sa batas. Iwasan po natin ang abala.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon para sa isang mas tahimik at ligtas na komunidad!

Read more: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/982744/dilg-alcohol-gambling-ban-other-measures-to-be-strictly-implemented/story/



17/03/2026

๐Ÿ“ฃ ANUNSYO SA BARANGAY ๐Ÿ“ฃ

Sa mga wala pang National ID, magkakaroon po ng registration sa ating San Fabian Sports Center, sa March 18-20, 2026.

Inaanyayahan ang lahat na magparehistro upang makakuha ng inyong National ID. Siguraduhing dalhin ang mga kinakailangang dokumento.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! โœ”๏ธ

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa ating Barangay Office.

Maraming salamat po!



16/03/2026

Nirespondehan ng San Fabian Police Station ang isang insidente sa Cayanga, kung saan sangkot ang magkakaibigang nag-iinuman sa pagdiriwang ng kaarawan ng isa sa mga ito.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, habang nag-iinuman pasado alas-dos ng madaling araw, nang biglaang dumating ang trenta y dos na babae na nagsimula ng umanoโ€™y gulo.

Rumisponde ang tanod ng nasabing barangay, kasama ang Barangay Chairman upang patahimikin ang gulo, ngunit ang suspek ay hindi nakikinig at nanlaban, kung saan ay hinablot pa umano ang damit ng Barangay Chairman.

Gayundin, ang personnel ng San Fabian Police Station ay rumisponde rin sa insidente ngunit sa kabila ng kanilang pagsisikap na pakalmahin ang sitwasyon, nanlaban pa rin ang suspek at hindi sumunod sa mga rumespondeng tauhan at hinablot ng suspek ang uniporme ng isang pulis at sinampal ito ng ilang beses, kaya agad na inaresto ang suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP ang suspek habang patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Address

Cayanga
San Fabian
2433

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap Jong Regatcho posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share