16/08/2026
Sangguniang Bayan – Ika-26 na Regular na Sesyon
Agosto 3, 2026
Matagumpay na naisagawa ang Ika-26 na Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng San Felipe, Zambales, sa pangunguna ng ating Presiding Officer, kasama ang mga sumusunod na miyembro ng Sangguniang Bayan:
Hon. Mary Ann R. Quiba – Municipal Vice Mayor
Presiding Officer
Hon. Robert R. Torres – Sangguniang Bayan Member
Hon. Ronald Jetro L. De Jesus – Sangguniang Bayan Member
Hon. Sir Alfred A. Abille – Sangguniang Bayan Member
Hon. Roselyn S. Manglicmot – Sangguniang Bayan Member
Hon. Ramil T. Ablian – Sangguniang Bayan Member
Hon. Rex Daniel A. Asutilla – Sangguniang Bayan Member
Hon. Ray A. Frondarina – Sangguniang Bayan Member
Hon. Gary Michael P. Fariñas – Sangguniang Bayan Member
Hon. Dana F. Damaso – LnB President/Ex-Officio Member
Hon. Iver-son Giray – SK Fed. President/Ex-Officio Member
Hon. Napoleon C. Domingo – IPM Representative/Ex-Officio Member
Sa nasabing sesyon, walang ordinansa o resolusyon na naaprubahan. Gayunpaman, naging bahagi ng sesyon ang isang mahalagang presentasyon hinggil sa panukalang pagtatatag ng Modern Poultry Farm sa Barangay Manglicmot.
Iniharap nina J. Angelo Rojo at Vince Dela Cruz ng Red Mountain Poultry Farms ang kanilang presentasyon tungkol sa planong pagtatatag ng isang modernong poultry farm sa nasabing barangay. Nagbigay sila ng mahahalagang impormasyon at paliwanag hinggil sa kanilang iminungkahing proyekto para sa kaalaman at kaukulang pagtalakay ng Sangguniang Bayan.
Patuloy na nagsisikap ang ating mga miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang ating butihing Punong Bayan, Hon. Reinhard E. Jeresano, sa pagsusulong ng mga panukala at programang naglalayong makatulong sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng San Felipe, habang isinasaalang-alang ang kapakanan ng ating mga mamamayan.
Mabuhay ang Bayan ng San Felipe!
San Felipe as One! Onward to Progress!