03/09/2026
Ang leptospirosis ay isang sakit na maaaring makuha matapos lumusong o ma-expose sa baha o tubig na kontaminado ng ihi ng infected na hayop.
Pag hindi naagapan, maaari itong humantong sa malubhang komplikasyon tulad ng pagkasira ng bato at atay, komplikasyon sa puso at baga, pamamaga ng utak dulot sa meningitis o encephalitis, at maaari ring ikamatay.
Kung ikaw ay lumusong sa baha, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP Clinic, sa loob ng 24–72 oras, para sa tamang pagsusuri at gabay ng doktor.