03/03/2023
Patuloy parin ang pagbibigay ng libreng seminar o Theoretical Driving Course ng LTO Region 3 Driver’s Education Center para sa mga nais makakuha ng kanilang Student Permit. Bahagi po ng seminar ay dumadaan sa pagsusulit o written examination ang ating mga applicants upang masiguro na kanilang naintindihan ang mga modules na itinuro sa kanilang seminar.