DA - SAAD Central Luzon

Directions Contact the organization

DA - SAAD Central Luzon "SAAD, kaagapay sa maunlad na buhay"

๐ƒ๐€-๐‘๐…๐Ž ๐ˆ๐ˆ๐ˆ ๐’๐€๐€๐ƒ ๐Ž๐๐๐Œ๐„ ๐‹๐ž๐š๐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ž๐ซ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐š๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ’๐ญ๐ก ๐ƒ๐Ž๐’๐“-๐€๐’๐“๐‡๐‘๐ƒ๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ' ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐žA big congratulations...
23/09/2026

๐ƒ๐€-๐‘๐…๐Ž ๐ˆ๐ˆ๐ˆ ๐’๐€๐€๐ƒ ๐Ž๐๐๐Œ๐„ ๐‹๐ž๐š๐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ž๐ซ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐š๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ’๐ญ๐ก ๐ƒ๐Ž๐’๐“-๐€๐’๐“๐‡๐‘๐ƒ๐ ๐’๐œ๐ก๐จ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ' ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž

A big congratulations to Dr. Rosalee G. Leander, DA-RFO III SAAD OPBME Lead, for successfully presenting her dissertation research during the 14th DOST-ASTHRDP Scholars' Conference on September 17 to 18, 2026, in Grand Xing Imperial Hotel, Iloilo City.

Dr. Leander proudly represented her alma mater, Central Luzon State University (CLSU), during the conference, joining fellow scholars from various universities across the country.
She presented her dissertation entitled "Identification of Functional Genes in Phosphate-Solubilizing Bacteria Isolated in Onion Producing Soils in llocos Sur, Mindoro Occidental, and Nueva Ecija, Philippines."

Her study focused on identifying functional genes associated with phosphate solubilization, particularly the gcd (quinoprotein glucose dehydrogenase) and phoD (alkaline phosphatase) genes, providing insights into the
potential role of the beneficial soil microorganisms in improving phosphorus availability and solubility in soils. The research contributes to the growing body of knowledge on soil microorganisms and their potential applications in sustainable agricultural production.

Beyond the research itself, the knowledge and skills gained from her doctoral journey have strengthened her aspiration to develop a locally applicable biofertilizer that could contribute to the Department of Agriculture's efforts in promoting sustainable and environmentally friendly farming practices.

Given the opportunity, she hopes to translate her research on beneficial soil microorganisms into practical agricultural innovations that can benefit Filipino farmers and support the country's goal of sustainable agricultural development.

โ€œI never thought I would do this, not even on my wildest thoughts. I am truly grateful for the opportunity to share and present my research. This is an experience I will treasure throughout my journeyโ€

Congratulations, Dr. Rosalee G. Leander, on this remarkable achievement! May your journey in research continue to innovate and contribute to a more sustainable future for Philippine agriculture.



๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐‡๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ก๐ฎ๐›๐จ๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฌ ๐†๐ž๐ง๐๐ž๐ซ-๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐ง๐š ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ -๐š๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐šMatagumpay na isinagawa ng Department of Agricu...
23/09/2026

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐‡๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ก๐ฎ๐›๐จ๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฌ ๐†๐ž๐ง๐๐ž๐ซ-๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐ฏ๐ž ๐ง๐š ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ -๐š๐ ๐ซ๐ข๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š

Matagumpay na isinagawa ng Department of Agricultureโ€“Regional Field Office IIIโ€“Special Area for Agricultural Development (DA-RFO IIIโ€“SAAD) ang Gender and Development (GAD) Training-Workshop para sa mga project implementers noong Setyembre 14โ€“18, 2026, sa 456 Hotel, Baguio City.

Layunin ng limang araw na training-workshop na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga project implementers sa pagsasama ng gender perspective sa pagpaplano, pagpapatupad, pagsubaybay, at pagsusuri ng mga programa at proyekto sa sektor ng agrikultura.

Bahagi rin ng aktibidad ang patuloy na pagsusulong ng gender equality at womenโ€™s empowerment sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan, alinsunod sa Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women, na nagtataguyod ng gender mainstreaming sa mga polisiya, programa, proyekto, at proseso ng mga ahensya ng pamahalaan.

Pinangunahan ni GAD Alternate Focal Person Dr. Milagros R. Mananggit, kasama ang resource speaker na si May Angelica A. Saludez, ang mga talakayan ukol sa mga batayang konsepto ng GAD at gender mainstreaming. Tinalakay rin ang kahalagahan ng gender statistics, pagtukoy sa gender issues at gender objectives, gayundin ang paggamit ng gender analysis tools bilang gabay sa pagbuo at pagpapatupad ng mga gender-responsive na programa at proyekto.

Mahalagang bahagi rin ng workshop ang paggamit ng Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG) bilang tool sa pagsusuri ng gender-responsiveness ng mga programa at proyekto ng Kagawaran. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsagot sa HGDG checklist, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong mailapat ang kanilang mga natutuhan sa pagsusuri at pagpapahusay ng mga programa at proyekto.

Dinaluhan ang training-workshop ng 45 GAD implementers, kabilang ang 21 lalaki at 24 babae, mula sa DA-RFO III at mga kinatawan ng Municipal Agriculture Offices (MAOs) ng San Clemente, Ramos, at Anao, Tarlac, at Nampicuan, Nueva Ecija.

Bilang bahagi ng pagtatapos ng training-workshop, nagpresenta ang bawat banner program ng kanilang mga output na nagpapakita ng aplikasyon ng mga konsepto, proseso, at gender analysis tools na tinalakay sa aktibidad.

Sa pamamagitan ng patuloy na capacity-building, layunin ng DA-RFO IIIโ€“SAAD na higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga implementers na isaalang-alang ang magkakaibang pangangailangan, karanasan, at kalagayan ng kababaihan, kalalakihan, at iba pang sektor sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura.



๐’๐€๐€๐ƒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐€๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฒ๐จUpang masuri at masusing matukoy ang mga...
21/09/2026

๐’๐€๐€๐ƒ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐‹๐ฎ๐ณ๐จ๐ง, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐€๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฒ๐จ

Upang masuri at masusing matukoy ang mga magsasakang kwalipikado para sa pagpapatuloy ng programa sa taong 2027, nagsagawa ng malawakang profiling ang Department of Agricultureโ€“Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program simula Setyembre 7 hanggang 11 sa probinsya ng Nueva Ecija at Tarlac.

Layunin ng aktibidad na masuri ang mga profile o background ng mga magsasaka. Kolektahin ang mga isentyal na mga impormasyon tulad na lang ng kanilang pangalan, lawak ng lupang sinasaka, Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) number, pangunahing pinagkukunan ng kita, at iba pang mahahalagang datos tungkol sa kanilang kalagayang pangkabuhayan.

Mahalaga ang prosesong ito upang magkaroon ng mas malinaw na batayan ang DA-SAAD sa pagtukoy ng mga magsasakang higit na nangangailangan ng suporta at interbensyon. Sa pamamagitan ng pangangalap at pagsusuri ng datos, susuriin kung pasok ang isang magsasaka sa mga itinakdang kwalipikasyon ng programa bago ito maisama sa mga benepisyaryong tatanggap ng agricultural interventions.

Nakatuon ang DA-SAAD sa pagbibigay ng livelihood at agricultural interventions sa mga marginalized at food-poor farmers sa Gitnang Luzon, kaya mahalagang matiyak na ang mga benepisyaryo ay naaayon sa target beneficiaries ng programa.

Isinagawa ang profiling sa mga magsasaka mula sa mga munisipalidad ng Ramos, Anao, at San Clemente sa Tarlac, gayundin sa Nampicuan, Nueva Ecija na pinangunahan naman ng mga kawani ng DA-SAAD bilang bahagi ng proseso.

Bukod sa pagtukoy ng kwalipikasyon, nagsisilbi ring mahalagang reference ang mga nakalap na datos sa pagpaplano ng mga intervention na mas angkop sa pangangailangan at kalagayan ng mga magsasaka sa bawat lugar.

Sa pamamagitan ng profiling, layunin ng DA-SAAD Central Luzon na matiyak na ang mga limitadong resources ng programa ay ipinagkaloob sa mga magsasakang higit na nangangailangan at makatutulong sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan.



๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐›๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐’๐Ž ๐ƒ๐ž๐ฅ๐ข๐›๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งBilang bahagi ng patuloy na pa...
21/09/2026

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ ๐š๐ง๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ค๐š๐ฒ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐›๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐’๐Ž ๐ƒ๐ž๐ฅ๐ข๐›๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na kooperatiba at organisasyon ng mga magsasaka, nagsagawa ang Department of Agricultureโ€“Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program ng Civil Society Organization (CSO) Deliberation noong Setyembre 8, 2026 sa DA-RFO Training Room, DMGC, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Tarlac, Nueva Ecija, at Aurora, kabilang ang limang akreditadong kooperatiba at pederasyon. Layunin ng aktibidad na suriin ang kalagayan ng mga organisasyon at tukuyin ang mga hakbang para sa kanilang patuloy na pag-unlad, maayos na pamamahala, at pagpapanatili ng operasyon.

Tinalakay sa deliberasyon ang membership, katayuan sa pagpaparehistro, kalagayang pinansyal, operasyon ng negosyo, at mga plano ng bawat organisasyon. Sinuri rin ang pagsunod sa mga kinakailangan sa pagpaparehistro at akreditasyon, kabilang ang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), Department of Labor and Employment (DOLE), Securities and Exchange Commission (SEC), at Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS).

Binigyang-pansin din ang pagpapatupad ng roll-over scheme, na hindi pa lubos na pamilyar sa ilan sa mga kalahok. Sa pamamagitan ng masusing pagpapaliwanag sa proseso at layunin nito, naging mas malinaw sa mga organisasyon ang kahalagahan ng sistema bilang bahagi ng pagpapanatili ng kanilang operasyon at patuloy na benepisyo para sa mga miyembro.

Tinalakay rin ang wastong paggamit, pamamahala, at pangangalaga sa mga makinarya at iba pang interbensyong ipinagkaloob ng DA-SAAD. Kabilang dito ang mga alituntunin sa pagpapahiram at pagpaparenta ng kagamitan, gayundin ang paglalaan ng pondo para sa regular na maintenance upang matiyak ang maayos at pangmatagalang paggamit ng mga ito.

Samantala, nagpahayag ang mga kalahok ng interes na palawakin ang membership at tuklasin ang karagdagang oportunidad sa negosyo upang madagdagan ang kita at mapatatag ang kanilang operasyon.

Batay sa summary assessment, nananatiling matatag ang pangkalahatang kalagayang pinansyal ng mga lumahok na organisasyon. Sinuri rin ang kanilang updated board resolutions, policies, at organizational bylaws upang maisulong ang mas maayos na pamamahala at pagsunod sa mga itinakdang alituntunin.

Sa pamamagitan ng patuloy na CSO engagement at capacity-building activities, patuloy na pinalalakas ng DA-SAAD ang kakayahan ng mga organisasyon ng mga magsasaka tungo sa mas organisado, matatag, at napapanatiling community-based enterprises na makapagbibigay ng pangmatagalang oportunidad pangkabuhayan sa mga benepisyaryong komunidad.



๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐ž๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฎ๐š๐งNagsagawa ang Department of Agricultureโ€“Special...
18/09/2026

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ ๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐ž๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ๐ฎ๐š๐ง

Nagsagawa ang Department of Agricultureโ€“Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) ng group formation at election of officers sa Brgy. West Central Poblacion, Nampicuan, Nueva Ecija, bilang bahagi ng pagpapalawak ng programa sa Central Luzon noong ika-4 ng Setyembre.

Layunin ng aktibidad na makabuo ng isang pormal na samahan na bubuuin ng mga magsasaka sa naturang lugar, gayundin ang pagpili ng mga opisyal na mangunguna sa samahan at magsisilbing kinatawan nito sa mga susunod na aktibidad ng programa.

Bilang bahagi ng proseso ng pagbuo ng samahan, isinagawa rin ang pagbuo ng kanilang by-laws at mission at vision. Ito ay naglalayong maitatag ang mga patakaran, layunin, at direksyon ng samahan bilang gabay sa kanilang mga magiging gawain at pamamahala.

Ang pagbuo ng grupo ay bahagi ng inisyatiba ng DA-SAAD na madagdagan ang bilang ng mga asosasyong maaaring maisama sa programa sa Central Luzon. Kabilang ang Brgy. West Central Poblacion sa mga lugar na tinitingnan para sa posibleng pagdagdag ng mga benepisyaryong grupo sa naturang bayan.

โ€œNagpapasalamat ako kasi isa ang Brgy. West Central sa napili ng DA-SAAD sa Nampicuan. Malaki ang magiging tulong nito sa aking mga kabarangay na magsasaka. Nakikita ko nga iyong mga malalapit na barangay rito na natulungan na ng program, tunay nga naman na matagumpay na sila. Kaya nagpapasalamat at nagagalak ako na napasama kami sa program,โ€ ani Ariel E. Sadangsal, Kapitan ng Brgy. West Central Poblacion.

Gayunpaman, sasailalim pa sa pagsusuri at evaluation ang mabubuong samahan upang matukoy kung makatutugon ito sa mga itinakdang pamantayan at kwalipikasyon para sa posibleng pagsama sa DA-SAAD Program.

Pinangunahan nina Rommelyn V. Quinto, CapDev Lead; Roselyn S. Bumanlag, Leonard C. Suarez Jr., at Aldrine C. Bulanadi mga Area Coordinator ng SAAD Central Luzon, ang nasabing aktibidad.

Inaasahan naman ang patuloy na group formation ng DA-SAAD Program sa iba pang kalapit na barangay na potensyal din naman na maidaragdag sa programa. Gayundin ang mga inihahandang mga pagsasanay para sa mga magsasaka.



๐ŸŽถ๐Ÿ’ƒ Calling all Filipino dance enthusiasts! ๐Ÿ•บ๐ŸŽถWhether you're into hip-hop, contemporary, folk, jazz, K-pop, ballroom, or ...
17/09/2026

๐ŸŽถ๐Ÿ’ƒ Calling all Filipino dance enthusiasts! ๐Ÿ•บ๐ŸŽถ

Whether you're into hip-hop, contemporary, folk, jazz, K-pop, ballroom, or any other dance styleโ€”all genres are welcome in the TUNOG Be RICEponsible Virtual Dance Contest!

Gather your team, choreograph your best moves, and inspire others to become more RICEponsible through dance!

Submission Deadline: October 7, 2026

๐Ÿ“Œ Scan the QR code for the full mechanics and registration details.

DA-SAAD Central Luzon, Isinulong, ang Backyard Gardening para sa Food Security at Karagdagang Kabuhayan sa Nueva EcijaUp...
14/09/2026

DA-SAAD Central Luzon, Isinulong, ang Backyard Gardening para sa Food Security at Karagdagang Kabuhayan sa Nueva Ecija

Upang higit pang mapalawak ang oportunidad sa kabuhayan at mapalakas ang food security ng mga benepisyaryo, nagkaloob ang Department of Agricultureโ€“Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program ng mga garden tools at ibaโ€™t ibang vegetable seeds sa anim na Farmersโ€™ Associations (FAs) sa Nueva Ecija noong Setyembre 2, 2026.

Layunin ng inisyatiba na mahikayat ang mga asosasyon na gamitin ang mga ipinagkaloob na kagamitan at binhi sa pagtatatag at pagpapaunlad ng kanilang backyard gardens. Bukod sa pagtugon sa pangangailangan para sa gulay ng mga pamilya, maaari rin itong maging daan upang magkaroon ng karagdagang kita ang mga benepisyaryo mula sa pagbebenta ng sobrang ani.

Ayon kay Jingle Ibarra, Chairperson ng Ambassador Swine Farmers Association, nakatutulong ang pagkakaroon ng sariling gulayan sa kanilang bakuran.

โ€œNoong nakaraang pamamahagi ng mga binhi ng gulay, nagtanim ako ng sitaw at nakapag-ani naman ako. Balak ko rin sanang magtanim ng kamatis, kapag tumigil na ang nararanasang pag ulan,โ€ ani Ibarra.

โ€œNagamit namin iyong mga ipinamahaging kagamitan sa pagsasayos ng bahay ay kapaligiran ng aming alagang manok,โ€ dagdag naman ni Desiree Apostol, Chairperson ng Medico Hog Raiser Association.

Ipinapakita ng karanasang ito na bukod sa pangunahing livelihood interventions, maaari ring maging mahalagang dagdag na pagkakakitaan ang simpleng backyard gardening kapag nabigyan ng sapat na suporta at kagamitan.

Kabilang sa mga garden tools na natanggap ng bawat asosasyon ang tag-8 units ng wheelbarrow, pala, kalaykay, bolo, timba, tabo, sprinkler, pruner, asarol, seedling bag, plastic mulch, at seedling tray. Kasama rin sa mga ipinamahagi ang buto ng kamatis, siling p**a, sili panigang, talong, kalabasa, pechay, sitaw, okra, ampalaya, at lettuce.

Pinangunahan ni Ariel D. de Guzman, Food and Livelihood Production (FPL) Lead ang pangangasiwa sa nasabing distribusyon kasama ang dalawang Area Coordinators ng Nampicuan, na sina Roselyn S. Bumanlag at Leonard C. Suarez, Jr.

Ang anim na asosasyon ay binubuo ng: Ambassador Swine Farmers Association, Maeling Unified Farmer Association Inc., Mayantoc Duck Farmers Association, Medico Hog Raiser Association, Monic Swine Herd Association, at Nagkakaisa at Produktibong Magsasaka tungo sa Pag-unlad ng Brgy. Cabawangan Association Inc.

Sa pamamagitan ng mga minor o supplementary agricultural inputs na ito, patuloy na sinusuportahan ng SAAD ang mga farmer beneficiaries hindi lamang upang mapalago ang kanilang produksyon, kundi upang magkaroon ng dagdag na pagkain at magkaroon ng mas maraming mapagkikitaan bilang bahagi ng pagpapatatag ng kanilang kabuhayan.



๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | SAAD strengthens Tarlac Farmer Cooperatives toward sustainable machinery use and enterprise  The Departme...
11/09/2026

๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | SAAD strengthens Tarlac Farmer Cooperatives toward sustainable machinery use and enterprise

The Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program continues to strengthen farmer cooperatives and associations in Tarlac through organizational development, technical assistance, and capacity-building activities aimed at improving their readiness to manage and sustain agricultural enterprises.

Full story: https://saad.da.gov.ph/saad-strengthens-tarlac-farmer-cooperatives-toward-sustainable-machinery-use-and-enterprise/






Department of Agriculture - Philippines

๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | Tarlac farmers prepare their future beyond Program completion For the Department of Agriculture โ€“ Special...
11/09/2026

๐๐ž๐ฐ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž | Tarlac farmers prepare their future beyond Program completion

For the Department of Agriculture โ€“ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program, the success of livelihood assistance is measured not only by the interventions delivered, but by the ability of farmer-beneficiaries to sustain and grow their enterprises beyond program support.

Full story: https://saad.da.gov.ph/tarlac-farmers-prepare-their-future-beyond-program-completion/







Department of Agriculture - Philippines

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ, ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐…๐š๐ซ๐ฆ ๐ˆ๐ง๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ฌ ๐š๐ญ ๐†๐š๐ซ๐๐ž๐ง ๐“๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ซ๐ฅ๐š๐œ ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐šPatuloy na pinalalakas ng Depa...
10/09/2026

๐ƒ๐€-๐’๐€๐€๐ƒ, ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐…๐š๐ซ๐ฆ ๐ˆ๐ง๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ฌ ๐š๐ญ ๐†๐š๐ซ๐๐ž๐ง ๐“๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ซ๐ฅ๐š๐œ ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ž๐ฏ๐š ๐„๐œ๐ข๐ฃ๐š

Patuloy na pinalalakas ng Department of Agricultureโ€“Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program Phase 2 ang suporta nito sa mga benepisyaryong magsasaka sa Central Luzon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga farm inputs, garden tools, at iba pang mga intervention upang suportahan ang kanilang produksyon at kabuhayan. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga magsasaka mula sa Namapicuan, Nueva Ecija, at Anao at Ramos, Tarlac, na nakatanggap ng mga intervention noong ika-3 ng Setyembre.

Isinagawa ang aktibidad sa DA Research Outreach Station for Lowland Development (DA-RSLD) sa Paraiso, Tarlac.

Bago ang pamamahagi, nagsagawa muna ang DA-SAAD ng pagpupulong at orientation sa mga Farmer Associations (FCAs) upang talakayin ang wastong paggamit, pangangalaga, at layunin sa mga ipinamahaging farm inputs at kagamitan. Layunin nitong matiyak ang maayos na paggamit ng mga intervention at mapakinabangan ang mga ito bilang suporta sa produksyon at kabuhayan ng mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga ipinamahaging kagamitan ang garden tools na maaaring gamitin ng mga magsasaka sa pagtatayo at pagpapaunlad ng kanilang mga backyard garden. Bukod sa pagkakaroon ng karagdagang suplay ng gulay para sa sariling konsumo, maaari rin itong magsilbing oportunidad para sa dagdag na kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng sobrang ani.

Bukod sa garden tools, namahagi rin ang DA-SAAD ng hybrid corn seeds at mga pataba upang masuportahan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa produksyon.
Inaasahang makatutulong ang mga ito sa paghahanda para sa susunod na taniman, pagpapabuti ng produksyon, at pagtataguyod ng mas sustainable na pagsasaka.

Para sa mga benepisyaryo, ang mga intervention ay hindi lamang simpleng farm inputs kundi dagdag na suporta sa pagpapatuloy ng kanilang kabuhayan at pagkakataong mapalakas ang kanilang pinagkakakitaan.

โ€œMalaking tulong po sa amin ang mga ipinamahaging kagamitan at inputs. Nagpapasalamat kami sa DA-SAAD dahil patuloy kaming binibigyan ng suporta para sa aming pagsasaka at backyard gardening,โ€ ani Charlie N. Dela Cruz, Chairperson ng Rizal Corn Farmers Cooperative.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng DA-SAAD Regional Project Management Office, sa pangunguna nina Associate Project Officer II/Food and Livelihood Production Lead Ariel De Guzman at Associate Project Officer I Babie Dianne Dela Cruz.

Sa pamamagitan ng mga intervention ito, patuloy na isinusulong ng DA-SAAD ang pagbibigay ng angkop na suporta sa mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang produksyon, magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan, at mapabuti ang kanilang kabuhayan.



Address

Regional Field Office III
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA - SAAD Central Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA - SAAD Central Luzon:

Shortcuts

Share