07/08/2026
๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ข๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐
๐๐-๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง ๐๐ฅ๐๐๐๐จ๐ง๐ฌ๐จ
Matagumpay na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic ResourcesโSpecial Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Phase II Program sa Ilocos ang dalawang araw na pagsasanay sa organizational strengthening para sa Samahan ng Busiing Norte Dapat Fisherfolk Association at Samahan ng Mangingisda ng Cen-sur FA sa San Ildefonso, Ilocos Sur noong huling linggo ng Hulyo 2026.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng dalawang samahan sa pamamahala, pamumuno, at organisasyon upang mapabuti ang kanilang operasyon, mapalakas ang partisipasyon ng mga kasapi, at mapatatag ang pagkakaisa ng kanilang mga miyembro.
Bilang bahagi ng pagsasanay, tinalakay ng mga kawani ng BFAR ang mahahalagang paksa hinggil sa mga layunin at estratehikong pagpapatupad ng SAAD Program, gayundin ang pag-oorganisa at pagpapakilos ng komunidad. Tinalakay rin ang mga pangunahing konsepto sa pamamahala, pamumuno, mabuting pamamalakad, at wastong pagsasagawa ng mga pulong. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa bilang pundasyon ng isang matatag at epektibong samahan.
Nagpaabot ng pasasalamat ang mga pinuno ng dalawang samahan at nangakong isasabuhay ang mga natutuhan upang higit pang mapaunlad ang kanilang mga organisasyon.
Ayon kay Edilberto Pascua, Pangulo ng Busiing Norte Dapat Fisherfolk Association, โMalaking tulong ito sa amin. Ngayon ay mas malinaw na sa amin kung paano patatakbuhin nang maayos ang aming samahan para sa kapakinabangan ng bawat kasapi.โ
Sinabi naman ni John Revibes, Pangulo ng Samahan ng Mangingisda ng Cen-sur FA, โSalamat sa BFAR. Ang pagkakaisa at maayos na pamamalakad na itinuro ninyo ay dadalhin namin at isasabuhay sa aming pang-araw-araw na gawain.โ
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba sa ilalim ng SAAD Program, patuloy na isinusulong ng BFAR ang pagpapalakas ng mga organisasyon ng mangingisda upang maging mas organisado, matatag, at may kakayahang pangasiwaan ang kanilang mga gawain at itaguyod ang pangmatagalang kaunlaran sa sektor ng pangisdaan.