25/05/2023
Umagang kay ganda mga kaWATCHERS!๐
Ikinagagalak namin na ipakilala sainyo ang dalawang Grade 4 pupils na sina XIAN SHERWIN DE CASTRO at JOHN MICHAEL MALUNES na nagsauli ng 40 pesos na kanilang nakita habang naglilinis sa TLE Park ngayong araw, May 25, 2023 sa ganap na alas 7:00 ng umaga.
Ito ay isa lamang indikasyon sa pagiging epektibo ng ating Project EHEMPLO na inilunsad noong ika 9 ng Nobyembre 2022 na may layunin na maging Honesto at maagap sa pagganap ng tungkulin sa lahat ng oras.
Maliit man o malaki ang halaga ng pera na naibalik isang patunay lamang ito na ang mga mag-aaral ng Buenavista ay laging tapat at huwaran ng lahat.